Chapter 20

37 2 0
                                    

Chapter 20: Preparation.

Lianne's PoV

Natapos ang game nina Edward na 6-3 ang score. Kaya nga ng Seniors ang mga Junior kaya lang hindi ito kagaya pagkasama si Rain na malayo ang agwat ng score. Si Clyde ay kabilang sa Junior High at sya ang nakagoal sa dalawang score ng Junior at own goal naman yung isa galing sa keeper nang mga seniors na nagpagalaman kong si Raven Ricoford, nalaman ko yon dahil sa pinagalitan sya ni Tito Fred.

Nandito ako ngayon sa labas ng locker nila Rain dahil nagbihis muna sya. Sandali akong naghintay at lumabas nadin si Rain, agad nya namang hinawakan ang kamay ko na wari mo'y mawawala ako paghindi nya kaagad hinawakan ang kamay ko.

"Uwi muna kita" Sabi nito at nagsimulang maglakad.

"Ha bakit? Maggigym nga tayo diba?" Pagpapaalala ko sa kanya.

"Maggigym ka ng nakauniform?" Tanong nito at huminto, tinignan ko naman sya at kinarkula ang suot nya. Nakasuot sya ng addidas na rubbershoes, nakajersy short at nakasando naman syang jersy yung pang basketball. Reading ready talaga sya ha.

"Why not?" Pang aasar ko sakanya. Wala akong dala ngayon pang gym. Balak ko lang ngayon ay mag enroll muna sa gym na pupuntahan namin.

"Osige, sabi mo e" Sabi nito at hinila ulit ang kamay.

Naglalakad kami ngayon papuntang parking, nakita ko namang kinuha ni Rain ang cellphone nya mula sa sports bag nya. Yan lagi ang bag na dala nya pauwi at papunta sa school. Iniiwan nya kasi yan sa locker ng football team, pero teka, sino kayang katext nito?

Rain Clifford's PoV

Kinuha ko ang cellphone ko para matext kay ate Yunah para sa gagamitin ni Jazz na panggym.

To: Ate Yunah
Ate Busy ka ba?.

Tanong ko, naramdaman ko ang pagsilip ni Jazz sa cellphone ko.

"Who's that?" Tanong nya at pinagsingkitan ako ng kanyang mga magagandang mata.

"It's ate Yunah" Sabi ko at pinakita ang message ko sakanya.

"Hmm. Sige" Sabi nito at tumngo tango. Tinignan ko ulit ang cellphone ko at may reply na don si ate Yunah.

From: Ate Yunah
Hindi naman, pero kasama ko si Joaquin ngayon, nandito kami ngayon sa mall, uuwi na kami maya maya.

Reply ni ate sa tanong ko at nagtipo naman ako para magreply.

To: Ate Yunah
Paki bili nalang ng gym outfit si Jazz, hindi yung sobrang sexing gym outfit ha ate Yunah? Kilala kita. Pakidala nalang sa JHB gym sa malapit sa SU. Salamat.

Sagot ko sa reply ni ate Yunah at nilagay na sa bag ang cellphone ko. Tinignan ko si Jazz at nakita kong nakakunot ang nuo nya.

"Let's go?" Tanong ko kay Jazz dahil nahinto kami dito sa parking dahil sa pagtetext ko. Hindi man nya ako tinapunan ng tingin. "Hey" Sabi ko at hinawakan ko ang baba nya para tumingin ito sa akin. I can still feel the spark between Jazz and I. "Are you mad at me?" Tanong ko sakanya. Tinapunan na rin nya ako ng tingin.

"Hindi, Hindi ako galit sayo dahil hindi ko kayang magalit, nagtatampo ako dahil kasama mo nga ako, hawak mo nga ang kamay ko pero yung mata mo nasa cellphone mo" Sabi nito, kita ko sa mata nya ang lungkot. Lumapit ako sa kanya at ikinulong ko sya sa mga bisig ko.

"I just texted ate Yunah for some emergencies. I'm sorry and I love you so much please forgive me" Tinignan ko sya at nakatingin sya sa akin. Kanina ay nakayakap lang ako sa kanya ngayon naman ay niyakap nya na din ako ng mahigpit.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon