Chapter 32

38 2 0
                                    

Chapter 32: Out of Town (Part 1)

Lianne's PoV

New day. Ngayong araw kami magaout of town ni Rain. Kainis hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan kami pupunta.

Nandito ako ngayon sa councilor office. Wala si Georgina at dahil ako ang Ms. Valentine ako muna ang papalit sa kanya. Kainis naman kasi itong si Edward, hindi muna pinakinggan si Georgina kaya wala sya ngayon at eto ako. Wala nanamang matutunan.

"Miss Hourthage, this is the list of those student na laging may kaaway dito sa luob ng campus. Hourthage Highschool lang ang iikutan mo ha? Baka mapadpad ka pa sa Elementary at Collage" Paalala ng coordinator ng SSG at iniabot sa akin yung mga bandpapers, duon nakasulat ang mga list.

"Sige po ma'am, aalis na po ako" Walang emosyon kong sabi at lumabas na. Huminga nalang ako ng malalim dahil lilibot lang ako dito sa buong campus at walang matututunan.

Sinimulan ko ng maglakad sa Junior High, wala namang nagaaway e. Kase nagklaklase sila.

Pumunta muna akong court para tumambay. Class hour pa kasi kaya hindi ko makulitan si Rain.

Habang papasok ako sa court ay iniscan ko yung list at nakita kong kung hindi gangsters na feeling gwapo ang nakasulat dito ay si Miss Mocley ang nakalista. Daughter of war.

Pagpasok kong court ay may naririnig akong umiiyak. Hinanap ko kung saan iyon nanggagaling at nalaman kong sa locker. Unti unti kong nilapit ang sarili ko sa pintuan ng locker at idinikit duon ang tenga ko.

"Sakin na ngayon si Jay, kaya kung pwede iwan mo nalang sa akin yung boyfriend mo" Dinig ko sa luob ng locker ang boses ni Mocley.

"Bakit sya pa Rica?" Sabi ng babaeng umiiyak. "Hindi ba't kaibigan--" Naputol ang pagsasalita nya ng sinipa ko ang pintuan ng locker. Wala na akong pakeelam kung masira iyon.

"Hello Rica Mocley, gulo nanaman?" Sabi ko sa kanya. Ang bibig nya ay may hugis bilog sa pagkagulat. Nakita kong ang isang babae na nakaupo, gulo gulo ang buhok at pula ang pisngi. Sa tingin ko pinagsasabunutan at pinagsasampal ni Mocley to. "What. The. Fvck. Is. Happening. Here?!" Galit kong tanong. Nilapitan ko ang umiiyak na babae at pinatayo ko ito.

"A-ano... Mi-miss Ho-Hourthage.. Kase yung boyfriend k--" Pinutol ko si Mocley sa pagsasalita gamit ang pagtaas ng aking kamay sa ere.

"Cut it, sumunod kayong dalawa sa akin" Sabi ko sa kanila.

Palakad kami sa hallway at daldal ng daldal si Mocley.

"Ikaw kase! Tignan mo yayariin nanaman nyan ako ni Miss Hourthage" Galit nyang sabi sa babaeng nakayuko at wari ko'y umiiyak parin. "Baka maglinis nanaman ako ng comfort room, pagpinaglinis ulit ako ingungud ngud kita sa bowl--"

"SHUT THE FVCK UP MOCLEY!" Pasigaw na sabi ko sa kanya. Nanahimik sya hanggang sa makapunta kami councilor office.

"Miss Hour-- Ow Rica, ikaw nanaman?" Natatawang tanong nang coordinator nitong SSG.

"Hello Miss Hourthage" Sabi ni Gemstone sa gilid. Bakit kanina wala sya dito? Nakalimutan kong Vice Precident pala sya dito. "Andrei Gemstone" Sabi nito at naglahad ng kamay sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya at binalingan ng tingin ang coordinator.

"Ma'am, nakita ko po sila sa locker ng gym. Nakaupo po itong babaeng ito habang gulo gulo ang buhok at pula ang pisngi." Walang emosyong saad ko. Lumakad na ako palabas dahil naramdaman ko na ang pagkagutom.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay may tumakip ng mata ko. Hinawakan ko ang kamay nya at alam ko na kung sino agad ito.

"Rain bitawan mo yung mata ko, sasapakin kita!" May pagbabanta kong sabi. Unti unti nya yong tinanggal at niyakap ako mula sa likod. "Oy Rain paPDA tayo dito e" Sabi ko at inaalis ang kamay nya sa bewang ko.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon