Kabanata 6

25 1 0
                                    

Kabanata 6, Lurking

-Sullivan-

"So, what is the reason why you transferred in Play Off?" tanong ni Daphne kay Thenaya.

Masyadong nakakailang na makipag-usap sa babaeng ito, it feels like someone is electrocuting my whole body without any warning. I am just nervous, palms are sweating and my heart is beating so fast. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito.

"I don't know, inilipat lang ako ni mama at papa dito, pero wala silang sinabi na dahilan," she replied with confusion on her face.

Halata masyadong walang alam si Thenaya sa pagkalipat niya sa Play Off Academy, alam ko na ngayon ang rason kung bakit ang responde niya sa guro namin ay "I don't know", dahil wala talaga siyang alam tungkol sa pagkalipat niya sa Play Off Academy.

Tumang-tango si Daphne at ininom ang kanyang beverage. Hindi ko talaga makakalimutan noong nakulong kami sa Play Off Academy, dahil sa katangahan ni Alfred at Daphne na gusto nilang gawin 'yon, dahil gusto nilang makakuha ng ebidensya tungkol kay Almeronan, well, it was a terrifying experience and I must say, it's not what it seems to be.

"Kilala niyo ba si Almeronan?" agad na natanong ni Thenaya.

Bakit kilala niya si Almeronan? Sino nagsabi sa kanya? May narinig ba siya? 

Andaming mga tanong ang biglang pumasok sa utak ko, dahil nakakabiglang bagong estudyante pa lamang siya ay alam na niya ang tungkol kay Almeronan, ang babaeng namatay sa paaralan namin at hanggang ngayon naghahanap pa rin ng hustisya tungkol sa pumatay sa kanya.

Kumunot lang ang kilay ni Alfred, samantala ay nabulunan sa kanyang ininom na beverage. Ako naman ay nanlaki ang mata at walang nagawa kundi tignan si Alfred at Daphne na ngayon ay nagtataka.

"H-hindi, ba't mo naman natanong?" nauutal na tanong ni Alfred.

Isa sa mga sikreto ng Play Off Academy ang tungkol sa pagkamatay ni Almeronan at hanggang ngayon wala pa rin nakakaalam tungkol sa kanyang pagkamatay. Ngunit, wala kaming ebidensya kung paano siya namatay o kung asang parte ng paaralan, pero ayon sa mga bulongbulongan sa paaralan ay nasa opisina ni sir Parker pinatay si Almeronan.

Pero, wala pang nakukuhang tamang ebidensya.

"W-wala, kalimutan niyo na lang ang sinabi ko," sabi niya.

Nakapagtataka dahil biglang umiwas ng tingin ito ng tanungin siya ni Alfred. May alam ba si Thenaya tungkol kay Almeronan? May nalaman ba siyang hindi dapat niyang nalaman tungkol kay Almeronan?

Hanggang ngayon, bumabalot pa rin saakin kuryosidad na binibigay saakin ni Thenaya. Paano niya nalaman ang tungkol kay Almeronan? Isang napakalaking sikreto 'yon sa paaralan ng Play Off Academy at ngayon nalaman ng isang transferee? 

Hindi ko naman sinasabi na hindi dapat nila malaman ang katotohanan ang tunkol kay Almeronan, pero sobrang napaka-pribado ito dahil dapat tahimik lang ang mga estudyante tungkol dito. 

Umuwi na rin kami, dahil sobrang pagod na rin ako sa kakagala, ayaw ko na ring isipin ang mga nangyari kanina lalo na't nalaman ni Thenaya ang tungkol kay Almeronan, ngunit hindi naiwasang pag-usapan namin ni Alfred 'yon ngayon sa chat.

-hype kami group chat-

Alfred: Paano ba niya nalaman ang tungkol kay Almeronan?

Sullivan: Hindi ko rin  alam kung paano, pero kinakailangan nating malaman ang katotohanan mismo sa kanya, bukas dapat.

Daphne: Sige. 

-Daphne is offline-

-Alfred is offline-

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now