Kabanata 24, What he knows
Naidilat ko na ang mga mata ko at tila ang nakikita ko lamang ay ang isang masilaw na ilaw at puting kisame, hindi na ako nabigla kung saan ako dahil narinig ko ang heart rate monitor.
"Schuy?" banggit ko sa pangalan niya.
Nakita ko ang sandamakmak na mga taong lumapit saakin, nagtaka naman ako dahil hindi sila pamilyar, mukhang nasa ibang lungsod na ako dahil na rin ata sa ginawa ng bus drayber.
"Thenaya?" narinig ko ang hindi nakikilalang boses.
Hinagod ko ang mga mata ko para makakita pa ako ng mas klaro, nakita ko ang sandamakmak na mga nurse sa gilid ko at isang doktor sa harapan ko.
"Sino kayo?" agad akong napaupo sa kamang hinihigaan ko.
Lahat sila nakangiti, which creeped me out, dahil hindi ko naman sila lahat kilala at bakit kung makangiti sila lapad na lapad.
"Thenaya, si papa 'to," nanlaki ang mga mata ko.
Si papa, noong nakaraang dalawang linggo lang siyang nawala at noong last kaming nagkita ay noong niyayaya niya akong kumain ng miryenda, pero I immediately regret, kasi nagmamadali akong pakinggan ang mga tapes.
"Tay," sabay ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Ano bang nangyari sainyo?"
Tinignan niya ako sa mata at nagtataka ang kanyang mukha, mukhang kuryos siya kung anong nangyari saamin sa bus, ayaw ko namang sabihing hostage, pero natatakot ako.
Kinalas ko ang pagkahawak ko sa kamay ni papa at iniwasan siya ng tingin, hindi ko kayang titigan siya ng matagalan dahil makonsensya ako.
"Anak, what happened?"
Iba na talaga 'tong si papa, umiingles na.
"Kailan ka pa natutong umingles?" pabiro kong tanong sa kanya pero sumeryoso lalo ang mukha niya.
Scared, I am truly scared, kasi hindi ko alam kung anong iririsponde ni papa tungkol sa pag-hostage ng lalaking iyon sa bus at sa pagkakataong iyon, gusto kong kausapin si Alfred pero huli na ang lahat ng pumasok ang baliw sa bus.
"I'm scared."
Kita ko ang mga nauusisang ekspresyon ng mga nurse, bakit nga ba andito ang mga babaeng ito sa kwarto ko?
"Bakit kayo andito?" isa-isa kong tinignan ang mga nurse at agad silang nabigla, "At bakit ang dami-dami ninyo, diba isang nurse lang bawat pasyente? Baliw ba kayo?" naiinis kong sabi.
Umalis lahat ng nurse sa kwarto, halatang napahiya sila sa ginawa ko, dapat lang namang umalis sila, pribado ang pag-uusapan namin ni papa, it's going to be a serious topic, I know this conversation is going to be a rollercoaster ride, but I can handle it, neither I will puke.
![](https://img.wattpad.com/cover/94169689-288-k375379.jpg)
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...