Kabanata 8, Fight
Isang masilaw na ilaw ang biglang bumungad saakin. Hindi ko alam kung nasan ako, pero noong narinig ko ang boses ni Sullivan, bigla akong kinabahan, his voice was really hoarse from screaming for help, suddenly I saw a bunch of students surrounding me, us.
"Gising na si Thenaya!" narinig ko ang boses ni Daphne.
Why is she even here? Hindi ko siya nakita kanina tumakbo patungo sa clinic, maybe andito din si Alfred, malamang, kasama na ni Sullivan si Daphne, hindi pa sasama si Alfred.
"Nurse, gising na siya!" sigaw naman ni Alfred kasama ng paghawak ni Sullivan sa kamay ko.
Ang lamig ng kanyang kamay, nahahalatang kinabahan ito noong nakita akong nakahandusay sa sahig. Hindi ko ba alam kung ano ang totoong nangyari, baka bigla na lamang ako nilason. Stop overthinking Thenaya, stay positive.
Pumasok ang nurse kasabay ng pagpasok din ni Alfred at Daphne. Hindi pa rin klaro ang paningin ko, sobrang labo pa rin. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ilang segundo ang nakalipas ay biglang nagklaro ang lahat.
Nasa clinic ako, alam ko naman ang rason kung bakit ako nandito, pero ano bang nangyari saakin?
"D-Daphne, anong nangyari saakin?" ibinalingan ni Daphne si Sullivan na malamang walang alam.
Ayaw ko namang tanungin si Sullivan, nakakahiya, sobra.
"Sullivan, ikaw na ang magpaliwanag," sabi ni Daphne, sabay naman baling ko ng tingin kay Sullivan.
His eyes are hiding secrets beneath it, halatang andami niyang tinatago, halatang may kinalaman siya sa lihim ng Play Off Academy.
"I know this may sound crazy, pero may tumurok ng syringe sa balikat mo," simpleng pagpapaliwanag niya.
"Sino naman ang gagawa noon saakin?" tanong ko, halatang gumugulo na ang utak ko.
Hindi ko talaga naiintindihan ang mga nangyayari, sobrang gulo hindi ko maipaliwanag, andaming mga tanong ang biglang pumapasok sa utak ko. Natatakot ako at kinakabahan, dahil baka isa lang saamin dito ang tumurok saakin ng syringe, baka nasa tabi ko lang ang taong iyon.
Tama na nga Thenaya, you keep on overthinking!
"We still don't have any evidence on who injected you earlier," biglang nagsalita si Alfred.
Kasabay ng pagtaas ng kilay ni Daphne. "Wow, so, english class pala ngayon?" pagpipilosopo niya.
Tinitigan lang ni Alfred si Daphne ng nakakamatay na titig kasabay ng pag-alis ng tingin ni Daphne sa kanya. Hanggang ngayon kuryos pa rin ako, dahil wala pa ring ebidensya tungkol sa pagkamatay ni Almeronan, wala pa akong nakukuha. Ngunit, may tumurok saakin ng syringe pero hindi ko kilala kung sino.
Sabi nga ni Alfred. "We still don't have any evidence on who injected you earlier," napasok na lang yan bigla sa utak ko at paulit-ulit na lang ang mga linya iyon, hindi ko alam kung asan ako sisimula sa pag-iimbistiga, ngunit natatakot din ako, dahil baka may mangyari saaking masama.
Ayaw ko pang mamatay ng maaga, I am still young.
"Ms. Dyson, isang lason po ang pumasok sa katawan ninyo, isang chemical na malapit nang kumalat sa katawan ko," sabi ng nurse.
"Bakit po kung kumalat sa katawan ko ang chemical na iyon?"
"Mamatay ka, mabuti nga't nadala ka nila agad sa clinic para mahanapan ng gamot sa nangyaring pagkahimatay mo sa hallway kanina."
Mabuti nga't nadala ako nila Sullivan sa clinic. Malapit na akong mamatay ng mga oras na iyon, maybe that's why I felt any hard chemical's inside my body, I was about to die that moment. My heart was beating so hard and my muscle's couldn't move properly that time.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...