Pangalawa sa huling kabanata.
Kabanata 35, Disclose
Kinilabutan ako sa nabasa ko, luminga-linga ako sa buong paligid at nagbabaka sakaling tumatayo lang sa kahit na saan si Carl, pero wala akong nakita, bago ko pa man isara ang chatbox ay may isa pang message.
Monique: They killed me.
"What the actual fuck is this?"
Sumunod-sunod na ang pagsent ng mga messages, doon na ako kinilabutan ng isa-isang sinisent ni Monique at Carl ang iba't-ibang mga salita, hindi ko naiintidihan ang kanilang ipinapahiwatig!
Carl: All
Monique: Secrets
Carl: They
Monique: They
Carl: Truth
Monique: All
Carl: Know
Monique: Know
I tried piecing up everything and I came up with this.
They all know the truth, they all know the secrets.
Namilog ang mata ko. Who is they? Nagpatuloy ang pagtindig ng balahibo ko, doon nagsimula ang pagnginig ng aking mga kamay, walang binigay na detalye ang dalawa, tila iyan lang ang ibinigay nila.
The laptop glitch and suddenly the messages disappeared, I got chills when I saw it, hindi pa rin natanggal ang tingin ko sa screen ng laptop, nanginginig ang kamay ko, then suddenly Monique sent a video at kita ko ang isang sasakyan.
Nagplay ang video ng mag-isa, hindi ko man lang pinindot ang play button.
Makikita ang mukha ni Monique, halatang may kausap siya sa cellphone dahil parang nagvi-video chat siya, ipinakita ni Monique ang buong sasakyan at may drayber sa harapan, kita ko ang napakadilim na paligid at mukhang nag-wo-worry na siya.
"Manong, asan na ba tayo?" tanong ni Monique.
Nanginginig na ang boses ni Monique, ninenerbyos na siya, hindi niya alam kung nasa'n na sila ng drayber, nahulog niya ang cellphone niya at dumilim ang buong paligid, rinig ang sigaw ni Monique.
"Manong, mahuhulog tayo sa bangin!" sigaw ni Monique.
"Diba, gusto mo iyon?" tanong ng drayber.
Mas lalong sumigaw si Monique, "Holy shit!" sigaw niya. Rinig ang pagbagsak ng kotse sa bangin at ilang minuto ang nakalipas, napatay na ang cellphone niya.
Ilang segundo lang ang video'ng iyon, gulat ako sa nakita kong video, nag-sent din ng video si Carl pero ngayon, kita ko ang mukha niyang duguan, hindi na ako nag-alinlangan na i-play ang video.
Gulat ako ng makita ko ang isang hindi nakikilalang tao na papunta kay Carl, tumatawa si Carl at halatang alam niyang mamamatay na siya dahil wala siyang pakialam sa taong papatay sa kanya, he literally grinned.
"Alam mo naman dibang mamamatay ka na?" tanong ng hindi nakikilalang boses, the voice was literally edited, it was distorted.
"Alam ko, wanna know a secret?" mukhang tuwang-tuwa pa si Carl na sasabihin ang lihim na ito.
"Then tell me one," the unknown person said.
Ngumiti si Carl at kinuha ang baril na nasa giliran lang niya, gulat na gulat ang hindi nakilalang tao ng makita ang ginawa ni Carl, "Anong gagawin mo dyan?" nalilitong tanong niya, itinutok ni Carl ang baril sa utak niya, then the gun went off making Carl fell off the ground.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...