Kabanata 17, Isla
"Kailan pa naging mamatay tao si Monique, since 2000?" nabibiglang tanong ko.
Napupuno ng tanong ang aking utak, hindi ko inaasahang ganito pala ang ugali ni Monique, I do believe Schuy, dahil nakita na niya ang katotohanan, mismo sa patay niyang kapatid, umiiyak pa rin siya, si Sullivan ay nakahiga sa duming sahig at tinatabunan niya ang kanyang mukha.
"Kailan ba naging killer si Monique?" ulit na tanong ni Daphne.
Tinitigan ko siya at iniwasan lang niya ako ng tingin, dahil alam niyang napikon ako sa sinabi niya, she just repeated what I said.
"Tara," tumayo na lamang si Sullivan sa kanyang kinahihigaan.
"Asan tayo pupunta?" kunot kilay na tanong ni Daphne.
"Malamang sa third floor," naiirita na si Sullivan kay Daphne dahil sobrang kulit na nito.
Bago pa man ako makakapunta sa pintuan ng opisina para buksan ito, nakita ko ang anino ng isang babae at narinig ko na lamang ang tawa ng isang babae, hindi ko ma-point out kung bata nga ba siya o kasing edad na namin, nakapaimposible naman kung bata ito.
"Teka, nakita niyo ba 'yon?" turo ko sa pintuan.
"Ha?" kunot noong tanong ni Alfred.
Napatigil sa pag-iyak si Schuy at lumayo sa pintuan, si Alfred ay dahan-dahang lumapit sa pintuan at may dala itong baril, itinutok niya ang baril sa pintuan, dahil baka may lalabas.
Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang Walkman radio ko, the voice was fully distorted, napalingon kaming lahat sa bag ni Daphne at binuksan niya ang kanyang bag, natahimik kaming lahat.
Patuloy pa rin sa pag-uusap ang distorted na boses, kumunot ang kilay ko ng may marinig akong salitang hindi ko inakalang marinig ko, "Tulungan ninyo kami, papatayin niya kaming lahat!" kinilabutan ako.
"Narinig niyo ba ang mga salitang iyon?" maigi kong tanong sa kanila.
"What do you mean Thenaya?" naguguluhang tanong ni Sullivan.
"There," bigla ko ulit narinig ang mga salitang iyon, ngunit ngayon ay iba na ang nagsasalita, mukha lalaki nanaman, "Tulungan niyo kami, magpapakamatay siya!" paulit-ulit itong umalingawngaw sa utak ko.
Nagulat na lamang kami ng sa huling parte ay biglang may sumigaw, natakot kami ng mga panahon na iyon, dahil sobrang madami silang sumigaw, malamang na hindi siya nag-iisa.
"What the fuck was that?" halatang natatakot si Sullivan.
I may be truly honest, madaling matakot si Sullivan at ang nakapagtataka pa ay si Daphne pa ang pinakamatapang sa kanilang tatlo, si Alfred ay matakutin naman pero hindi kagaya kay Sullivan, si Alfred ay matalino sa mga gamit pagdating sa adventures or travelling, siya na lahat at alam niyang hindi lahat handa sa mga mangyari, kaya siya lagi ang nasa likod namin.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Misterio / SuspensoIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...