Salamat sa pagbabasa. :)
Wakas
Nang makarating ako sa paaralan ay kita kong naghihintay si Alfred at Schuy saakin sa labas, kita ko ang naiinip nilang mga mukha.
"Asan sila?" tinuro ni Alfred ang Angelus Corde building at kita ko doon si Daphne at Sullivan, they are already at the edge of the second floor at kita kong ihuhulog nila ang sarili nila doon, we ran fast as we can lalo na't malayo-layo ang Angelus Corde building.
Nang makarating sa pangalawang palapag ng gusali, agad hinila ni Alfred at Schuy si Daphne at Sullivan sa building, nagwala si Daphne, si Sullivan naman ay parang wala sa sarili.
"Bitawan ninyo ako!" paulit-ulit na sinisigaw ni Daphne habang nagpupumiglas siya kay Alfred.
Kita ko ang tumutulong luha ni Daphne, si Sullivan parang namumutla at wala talaga sa sarili, sa mga oras na iyon nagsimulang umulan.
"Shit," pabulong sinabi ni Alfred, kita ko ang umiiyak na si Daphne, habang si Sullivan naman tila nakatulala.
"Bakit niyo ba kami pinipigilan? Kailangan naming mamatay!" pagalit na sinabi ni Daphne, nanginginig ang kanyang kamay, naghahabol din siya ng hininga dahil ata sa nalulunod na siya sa sarili niyang iyak.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya, pero tinanggi niya ito, nilingon niya ako at bigla siyang sumigaw, "Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganito kami, kung hindi ka na lang sana lumipat dito sa paaralang ito, hindi kami magkakaganito!"
I scoffed, "Ako? Tanga ka ba, ha? Kahit ano pa man ang mangyari, may lilipat dito sa Play Off Academy at mangyayari ang mangyayari sa inyo!" sinampal ko si Daphne kaso ng pagkagulat niya.
"Si Gael..." agad nabaling ang tingin namin kay Sullivan na ngayon ay nagsalita na sa wakas.
"Ano?" nalilitong tanong ni Schuy, habang tinititigan ang kapatid na nakasandig sa konkretong dingding, agad akong nakuryos sa sinabi ni Sullivan.
"What do you mean? Anong kinalaman ni Gael dito?" mismo ako ay naguguluhan na sa sinabi ni Sullivan.
"Gael killed the five students. There is a purpose to why we are doing this, may isa pang tape at ang tape na iyon ay pribado," sabi ni Sullivan.
"Asan ang pribadong tape na ito?" si Alfred.
"Nasa akin."
Inilabas niya ang isang cassette tape, ngunit nakalagay sa cassette tape ay "private", inilabas ni Sullivan ang Walkman radio niya sa kanyang bag at inilagay ang cassette tape sa Walkman radio.
Play
I killed five students, one boy and one girl who keeps on hallucinating...
Agad nabaling ang tingin nila saamin dalawa ni Schuy.
One boy who is bossy...
Tumingin kami kay Alfred na ngayon ay nakayuko lang at tila nakikinig sa tape.
The girl who keeps on hallucinating, knows all the secrets. One who is weird as hell and one who wants to protect us that she even made a video to the girl who keeps on hallucinating.
"Si Monique," pagbanggit ko ng pangalan niya ay agad napunta ang atensyon nila saakin.
And one the guy who also keeps on hallucinating, is on the same side to the girl who also keeps on hallucinating.
One event, that made people thinking, if it's true or not.
Yes, I killed Laurence Mondel, ang ikinahahangaan naman ng estudyante dito sa Play Off Academy, I killed him because I want the tapes, I want to give all of the information, because lately he is giving some false rumor.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...