Kabanata 20, Monique's Secret
Katahimikan, madaming katanungan ang maiiwan, kung hindi ka mag-iingay, ngunit sa lahat ng nadaanan ko ngayon tungkol sa katahimikan, niminsan ang katahimikan ang sagot, dahil kailangan mong makinig, para malaman ang katotohanan.
"Monique, ano bang nangyari sainyo ng tatay mo?" tanong ko.
"Actually, hindi ko ginusto ang misyon ni papa," panimula niya, sa mga sinabi niya mabilis na kumunot ang kilay ko.
"Ba't mo naman hindi ginusto ang misyon ng tatay mo?" si Daphne
Kinuha ni Monique ang kanyang bag, tila bang may gusto siyang ipahiwatig saamin, may gusto siyang gawin ngunit hindi niya ito magawa.
"What is this?" natanong ko ng makita ko ang letrato ni Monique, pero hindi siya nag-iisa, may kasama siyang lalaki.
Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaki sa letrato, pamilyar siya ngunit hindi ko mapoint out kung sino siya.
"Teka, sino ba 'to?" kunot noong tanong ni Sullivan.
Hindi nagsalita si Monique ng ilang segundo, kinuha ni Daphne ang letrato at nanlaki ang kanyang mata at ibinlingan ako ng tingin kasabay ng pagtahimik ng buong lugar, ano nga bang nakita niya doon sa letrato at bigla na lamang siya nagulat sa kanyang nakita?
"Daphne, may problema ba?" tinignan ko siya sa mata.
May takot ang mga ito at sa mukha pa lamang niya ay mukhang hindi siya makapaniwala.
"Monique, sino ba-"
Nagulat ako ng makita kung sino ang nakita ko sa letrato, si Carl.
"Bakit ka may letrato ni Carl?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Carl and I we're friends before," she immediately respond pero sa tono pa lamang ng boses niya ay parang may pagsisi ito.
Ano nga ba ang problema ni Monique at bakit niya nagawa ito saakin? Dahil ba doon sa mga cassette tapes na ninakaw ko mula sa kanya, medyo imposible naman ata 'yon e.
"Monique, paki-explain," muli kong sabi.
Gusto ko malaman ang katotohanan tungkol sa relasyon nila dalawa ni Carl.
"Okay, okay, I'll explain it," kasabay ng paghawak niya ng mabuti sa letrato.
Bumuntong hininga siya, halatang hindi pa siya handang sabihin ang katotohanan, "Magkaibigan kami ni Carl since gradeschool pa kami, I know that it sounds a little bit cliche but no, it's not kung tutuusin, masyado kaming naging close ni Carl napunta na ang relasyon namin sa pagiging mag-best friends," muling tinignan ni Monique ang letrato na kanyang hawak.
"But things got different when we both entered highschool," nakita ko ang mga bumubuong luha sa mata ni Monique.
"A-anong nangyari?" si Schuy, kasabay ng pagtingin ni Monique sa kanya.
So ngayon, interesado na si Schuy sa kwento ni Monique? Three minutes ago, sobrang napaka-dramatic niya at parang hindi siya interesado at ngayon nagtatanong na siya? Napakagaling naman Schuy.
"Well, things were okay when it was just two to three weeks of June, but things got heat up, nakita kong may kausap si Carl na isang babae at mukhang napakasaya nila, ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Daphne," sambit niya.
Nagulat ako ng marinig ang pangalan ni Daphne sa kwento, bakit niya ba inagaw ang best friend ni Monique? Ganun ba talaga siya na tao?
"Daphe, ano-"
May sasabihin sana ako kay Daphne ng bigla na lamang ako patahimikin ni Schuy.
"Hush!"
Umirap na lang ako na kasalukuyang naiinis na ako sa pag-uugali niya, medyo walang respeto.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...