Aftermath

36 1 0
                                    

A Supplementary Story: Aftermath

Naging mahirap saamin ang kolehiyo. Honestly, it never did, malaki ang difference noong first year college pa kami at noong high school, this time it was even harder than before.

Isang taon akong nag-aral sa Mactan just for the sake of my parents business, and now that I am back at Play Off Academy, andami ko ng nakilalang mga bagong kaibigan, thanks to Alfred. Shockingly, Schuylar transferred to Australia, kasi andoon nagtatrabaho ang ate niya at nagpayag naman ang nanay at tatay niyang doon siya titira at mag-aaral.

Currently, I have a huge crowd of friends, not that big but a good amount of it. It seems like everything changed, before it was this mysterious and creepy part of the school, and now it's not.

Angelus Corde was replaced to Queen of Peace building, may mga estudyanteng na-stuck sa K to 12, that's why the grade 11 and 12 owns the building now, it somewhat was also populated by grade schoolers but they were immediately removed and moved to another building.

Pumasok na ako sa susunod kong klase at agad kong nadatnan si Kaylo, isa sa mga kaibigang nakilala ko, hawak-hawak niya ang dalawang libro sa kanyang kamay.

"Kaylo!"

Lumingon siya at ngumiti saakin, it felt like yesterday to why we all met in the first place, it wasn't just because of Alfred but because of how they approached me and treated me as their own.

4 Months Ago

Unang pagpasok ko pa lamang ng Play Off Academy ay hindi na naging bago saakin ang lahat, subalit sa paikot-ikot kong tingin ay napagtanto kong andaming nagbago sa paligid, hindi lang ang mga uniporme ng estudyante kundi pati ang environment.

"Thenaya!" napangiti ako ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Si Alfred Ciestro. Ilang taon ding hindi kami nagkita dahil sa lumipat ako ng Mactan, sa pagkakataong iyon, nasa magkabilang bulsa ang dalawa niyang kamay at tinignan ako, he smirked.

"Alfred!" nabigla siya ng bigla ko na lamang siya niyakap ng mahigpit at halos matumba kaming dalawa dahil sa paraan ng pagyakap ko sa kanya.

"Teka, hindi ako makahinga."

Natawa ako kaya kumalas ako sa pagyakap, nabigla ako ng makitang may mga kasama si Alfred sa kanyang likuran. Mabilang naman sila, pero marami-rami din, ningitian ko sila, agad namang napansin ni Alfred na kanina ko pa tinititigan ang mga taong nasa likuran niya.

"Ah, Thenaya ito nga pala ang mga kaibigan ko, heto si Kaylo," turo niya sa lalaking may salamin at ang Pompadour haircut niya, naka-unbutton ang polo niya at kita ang white shirt niya sa loob, and he is wearing a pair of jeans.

Kumaway ang lalaki at ningitian lang ako. "Heto naman si Amber," turo niya sa babaeng may side bangs at naka-ponytail, parang napaka-girly ng kanyang suot, dahil napaka-good girl ng image ng suot niya.

"Nice meeting you," nag-alok siya ng kamay, tinanggap ko naman.

"At si Kaysey," pakilala niya sa babaeng may bangs, she is not like Amber's style who is girl-ish like, her style is more of a Korean-kind-of-style, wala naman siyang glasses, but proven na sa suot niya, halatang mahilig 'to sa K-pop or K-drama.

"Annyeong!" and I stand corrected.

Kumaway na lang ako sa kanya, alam ko naman ang ibig sabihin ng sinabi niya pero sadyang nahihiya lang akong rumesponde in Korean.

On that moment, they became my friends, naging close kaming lahat at sa hindi inaakalang pangyayari parang naging pamilya ko na rin sila, they are more like the old squad that I had when I was still on the 1st year of college.

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now