Kabanata 29, Cut
Mag-isa akong naglalakad patungo ng klase, wala akong kasama maski sina Daphne man o Alfred, sa pagkakaalam ko, si Alfred ay may inaasikaso sa student council, nakakabigla lang dahil kasali na sa student council si Alfred, ang pinagtataka ko na lang ay si Daphne.
Papasok na ako ng klase nang makita ko ang isang pamilyar na mukha, naningkit ang dalawa kong mata at nakita ko ang ikinabibigla ko, si Thenaya.
Lalapit na sana ako sa kanya, pero may dumaan sa harapan ko, kaso ng pagkawala niya, sumabay ang pagkunot ng noo ko at pagbibilog ng mata ko. Si Thenaya ang nakita ko, namamalik-mata lang ba ako?
"Schuy!" umikot ang ulo ko sa direksyon ng tumawag saakin.
Nakita ko ang papalapit na si Carl, nagbago ang lahat ng mawala si Monique, isa na doon ang pag-angat ng reputasyon ni Carl, naging normal na siya pero hindi pa rin mawala ang pagka-weirdo niya.
"Asan si Sullivan?" kumunot ang noo niya at napalinga-linga, nagpunta pa siya sa likuran ko nagba-baka sakaling nagtatago ang kapatid ko.
Nagtataka rin ako kung nasa'n ang kapatid ko, dahil maaga siyang umalis ayon kay manang, pero wala daw sinabing didiretso siya ng paaralan, hindi lang man niya nga ginalaw ang kanyang bike o kaya naman hindi siya sumakay sa service.
Kumibit balikat ako, tumango-tango si Carl, tinapik niya ako sa balikat naupo na sa kanyang upuan, may lumapit na babae sa kanya, naglalaro ang hintuturo ng babae sa katawan ni Carl, nandiri ako ng makita iyon kaya nag-iwas ako ng tingin.
Tumungo na ako sa upuan ko at inilapag ang bag ko sa mesa, inilibing ko ang mukha ko saaking dalawang kamay, late na akong nakatulog kagabi, dahil andami kong ginawa.
"Schuy!" bumukas ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Thenaya.
"Thenaya?" lahat ng mga tao sa classroom ay napunta ang atensyon saakin, ang iba nagtataka, ang iba naman sadyang nabigla lang.
Napalinga-linga ako sa paligid at inilibing ulit ang aking ulo sa dalawa kong kamay.
"Schuy!" rinig na rinig ko ang boses niya, nanginginig ang tono niya.
"Schuy!" pagtawag niya ulit sa pangalan ko, maski ako nagtataka kung asan siya, ang dilim ng paligid at wala akong makita.
Humakbang ako papalapit pero isang masilaw na ilaw ang bumungad saakin, ilang segundo ito bago nagbalik sa normal ang lahat, ngunit may nagbago, nakita ko ang isang babae umiiyak sa iisang ilaw sa buong paligid.
"Hello?"
Habang papalapit ng papalapit, naririnig ko ang hagulgol ng babae, mas lalong naningkit ang mata ko dahil sa sobrang silaw ng ilaw, nang malaman ko kung sino ang babaeng nakita ko, agad nalaglag ang panga ko.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...