Kabanata 14, Angelus Corde
"Sullivan, ano bang napaniginipan mo?" tanong ni Daphne.
Puno ng takot ang buong pagkatao ko, wala akong kayang sabihin sa kanila ang totoo dahil baka mapahamak sila, gusto ko siyang tulungan, gusto ko siyang iligtas, ngunit hindi ko kaya, dahil natatakot ako sa katotohanan, natatakot akong malaman nila ang katotohanan.
"I don't wanna talk about it," I do really refuse to talk about it.
Deep inside, my soul is dying from the lies that are around me but I am more stressed kung nalaman ko na ang katotohanan.
Scared, depressed and sad, hindi ko alam kung paano nabuo ang mga salitang ito sa pagkatao ko, lalo na't lumalaban ako sa kahit naanong bagay, I am brave and smart but often times I get a little shaky and scared. Ano nga ba ang dapat kong gawin para mailigtas ko siya?
Nabuo ng katahimikan ang buong clinic kasabay na rin ng pagtunog ng school bell. Nagkatitigan sina Alfred at Thenaya at mukhang may sinasabi ni Thenaya kay Alfred sa pagtingin pa lamang sa pagtagpo ng kanilang mga mata.
"Sullivan, napagdesisyon kong hindi ka na muna sumama saamin sa Angelus Corde, last subject na rin at mukhang hindi ka makakaabot doon," sabi ni Thenaya sabay tingin kay Daphne at tumango naman ang dalaga.
"Oo nga Sullivan, lalo na't nahihirapan ka sa kalagayan mo ngayon, baka mapahamak ka pa roon," pagpapaliwanag naman ni Daphne.
Gustong kong sumama sa Angelus Corde, dahil ito ang pinakahihintay ko, natatakot man ako ngunit wala na akong pakialam kung mabalot man ang katawan ng takot basta malaman ko lang ang totoo.
"Heto, ibibigay ko ang cellphone ko saiyo," bigay ni Alfred.
"Ano naman ang gagawin ko dito?"
"Naka-connect ang camera na ito," turo ni Alfred na maliit na camera na dala niya, "sa cellphone ko, kaya ivi-video ko ang nangyayari sa loob ng Angelus Corde, pag-alis pa lamang namin ay bukas na ang camera ko, batid sa muna ay wala kang makita dahil itinatago ko ito, pero pagpasok namin sa gusali doon ko na ido-document ang buong pangyayari," napangiti ako sa sinabi ni Alfred.
Kahit kailan, matalino talaga itong si Alfred, sa simula pa lamang alam kong may karapatan na magiging kaibigan si Alfred, dahil sa lagi siyang handa, ginusto ko ring maging kaibigan si Daphne dahil siya nagyayaya saaming pumunta sa mga liblib ng lugar, ngunit napapahamak naman kami sa dulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/94169689-288-k375379.jpg)
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mistero / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...