Kabanata 19

32 1 0
                                    

Kabanata 19, Tied

Naidilat ko na ang aking mga mata at sobrang silaw ng ilaw mula sa kwartong ito, halatang nasa St. Catherine classroom pa rin ako dahil sa kaso ng mabahong amoy nito, agad kong tinakip ang bibig ko.

"What the fuck, guys asan kayo?"

Nabigla ako ng makita kong wala sina Schuy sa loob ng classroom, nagtaka rin ako at bakit bukas ang Walkman radio ko, kumunot ang kilay ko ng makita pa rin ang Kill yourself Isla Marenivs, puno pa rin ako ng pagtataka at walang alam saaking utak.

Kinuha ko ang Walkman radio ko at tumayo saaking kinahihigaang sahig, nabigla ako ng makita kong sobrang dumi ng classroom at nagkaso pa ito ng sobrang pagbaho ng room.

Dumiretso ako sa pintuan at binuksan, nabigla na lamang ako ng makita ang mga kaibigan kong nakatali ang kanilang mga kamay at paa, may nakalagay din na panyo sa kanilang bibig para hindi sila mag-ingay.

"Teka, anong nangyayari dito?" bulong ko.

And side note, hindi sila gising, lahat sila tulog at walang malay, si Daphne naman ay nakasandal pa sa balikat ni Sullivan, samantala si Schuy naman ay nakasandig ang ulo sa dingding, si Alfred ay tilang nakahiga na.

Nakita ko ang cassette tape hawak hawak ito ni Alfred, kinuha ko ito mula sa kanya, ngunit biglang may nagtakip saakin ng panyo at sa pagkakataong iyon ay nahilo ako.

***

"Teka, asan ako?" nabibigla kong tanong.

Narinig ko ang iba't-ibang sigawan ng mga kaibigan ko, ngunit hindi masyadong malakas, dahil napagtanto kong nakatakip pala ang bunganga nila.

Ako lang naman ata ang hindi nakatakip ang bunganga dito at sino naman ba ang may trip na ginito ang gawin saamin?

"Aba, gising ka na pala, kamusta naman Thenaya Dyson?" hindi ko maaninag ang mukha ng boses ngunit pamilyar ang boses niya, narinig ko na noon pa ang boses niya pero hindi ko maituro.

Pilit kong ginagalaw ang mga kamay at paa ko, ngunit hindi ko ito magalaw, sa pagkakataong iyon, napagtanto kong nakatali na pala ako, isa na ako sa mga kaibigan ko.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko silang nakatingin saakin at parang sumisigaw sila ng tulong, pero hindi nila magawa sa higpit ng paglagay sa kanila ng panyo.

Nakita ko na lamang ang kanyang sapatos, school shoes at doon ko na naaninag ang kanyang uniporme.

"Monique?" nakita ko ang isang mahaba na buhok at ang babaeng laging naka-kolorete.

"Yes ako nga at dinala ko kayo dito, dahil may gusto akong malaman."

Itinanggal niya ang mga panyo sa bunganga ng mga kaibigan ko.

Nagpakita ang mga babae sa kanyang gilid, may mga hawak silang armas, ang babae sa kaliwa ay may hawak na bat at ang babae sa kanan ay may hawak na cutter.

"Teka, bakit cutter ang dinala mo at hindi kutsilyo?" si Daphne

Kahit kailan hindi talaga kayang maging matino ng babaeng ito, diyos ko, kung ako sa kanya dapat nanahimik na lang siya, baka siya pa ang unang mamatay saamin.

"Pwede bang manahimik ka na muna Daphne Kaylie Tomas!" sigaw ni Monique.

Natikom ang bibig ni Daphne at tila bang napayuko ng bigla niyang narinig ang sigaw ng dalaga, pumipiglas naman si Alfred at tinutukan naman babaeng nasa kaliwa ang binata ng bat.

"Teka nga, ano nga ba ang gusto mong malaman?" maikling tanong ko.

"Gusto kong malaman kung nasa'yo ba ang mga cassette tapes?"

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now