Kabanata 5

26 1 0
                                    

Kabanata 5, Schuylar

"Excuse me Mr. Motheran, please be kind and humble to the students, this is still your first day and you're under observation," singit naman ng principal. 

Hanggang ngayon, napasubo pa rin ako sa sinabi niya. Kapatid siya ni Sullivan? At anong ibig sabihin niyang 'the great brother' of him? 

Una sa lahat, wala akong alam na may kapatid pala si Sullivan, well, obviously, we're not close but I'm still undergoing on observation around him, lalo na't sila dalawa ni Daphne ang unang nagpahiya saakin. But I am not that close to him as I assure, because I am not a professional observer who could get things easily by their moves and act of personality. 

"Thenaya! Are you okay?" biglang lumapit saakin si Alfred na malamang ay kasama si Sullivan at Daphne. 

"Ms. Dyson are you fine? Did this man hurt you?" sabay turo ng principal kay Schuylar. 

Umiling ako. Wala naman siyang ginawang masama saakin, sadyang katangahaan ko lang na nabangga ko siya at isa pa, kasalanan ko naman din, sadyang napaka-bastos lang niyang mag-approach humingi ako ng tawad. 

"Rude lang po siyang mag-approach saakin para humingin ako ng tawad," sagot ko.

Ibinaling ng principal si Schuyler kasama nito ang pagbigay ng nakakamatay na titig saakin, agad akong umiwas dahil baka sa dulo ay papatayin ako nito, dahil sa una pa lang mukhang nakakatakot na ang Play off Academy, parang wala estudyanteng disiplinado, mukhang karamihan, bastos.

"Mr. Schuylar Motheran, please go to my office right now," she said.

"But ma'am, siya-" 

"I said NOW!" pagdidiin niya sa huling salitang sinabi niya.

Inilagay niya ang dalawang niyang kamay sa bulsa ng kanyang varsity jacket, kasama na ito ng pagyuko niya at tumungo sa principal's office. 

"Ms. Dyson, kung may mangyari mang ginawa ang lalaking iyan saiyo, please report it to me immediately."

"Opo ma'am," ako. 

Minsan nga hindi ko naiintindihan ang bawat sikreto ng paaralan na ito, ang alam ko lang ay ang daming mga sumira sa reputasyon ng lalaking nasa cassette tape na ito, si Laurence. Ngunit, wala pa siyang sinabing isang sikreto tungkol sa paaralan. Ang nabanggit lang niya ay tungkol kay Almeronan, ngunit sabi niyang may mga sikretong mabubunyag sa susunod na tape.

Gusto ko ng pakinggan ang susunod na tape ngunit kinakabahan ako sa mga maging resulta nito. 

"Thenaya, okay ka lang?" tanong ni Alfred saakin.

"I'm okay."

Tahimik akong tinulungan ni Alfred tumayo, samantala sina Daphne at Sullivan naman ang nasa likod, tahimik na nanonood saamin dalawa ni Alfred, ibinalingan ko sila ng tingin ngunit ibinalik ang aking atensyon kay Alfred.

Hinawakan ni Alfred ang dalawa kong kamay at tinignan ang aking mga mata, his glare was so powerful that I couldn't take them off, mukhang may ipinapahiwatig siya mula sa kanyang mga mata.

"Thenaya, please tell us what really happened," nagmamakaawang sabi ni Alfred.

"Iyon ang nangyari, nagkabanggaan lang kaming dalawa ni Schuyler at ma-bastos siyang humihinga ng tawad ko," sagot ko.

"Are you sure, did that guy hurt you?" he asked concern.

"Hindi nga niya ako sinaktan Alfred, why are you even so concern about this?" irritation got me.

Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit, dahil naman sa pangungulit saakin ni Alfred, hindi ko pa rin mapigilan na balingan ng tingin sina Daphne at Sullivan na ngayon ay mukhang nagtataka. 

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now