Kabanata 18

43 1 2
                                    


Kabanata 18, Massacre

"Diyos ko naman ang baho dito," reklamo ni Daphne, maarte siya masyadong halata na sa kanyang ugali at pangalan.

Nakatingin pa rin ako sa blackboard na may dugong nakasulat Kill yourself Isla Marenivs. Teka lang, mukhang pamilyar ang pangalang iyan ah, narinig ko na ang pangalan niya noong naglalakad ako papuntang classroom at narinig kong pinag-uusapan nina...Daphne.

"Daphne," tinawag ko siya.

Agad ko namang nilapitan ang dalaga at hinarap ito ng tingin saakin, ayaw ko naman nakatingin siya sa iba at hindi na siya kikinig saakin, gusto kong malaman ang katotohanan, ngayon na, bahala na muna ang mga cassette tapes, dahil nararamdaman kong kulang impormasyong sasabihin ni Gael.

"Ano yun?" kunot noong tanong niya

Iniharap ko si Daphne sa blackboard dahil kanina pa ito paikot-ikot sa paligid, sa lahat ata ng tao dito, ako lang ata ang nakapansin sa nakasulat sa blackboard.

"Teka, dapat ba ang nababasa ko, si Isla Marenivs?" nagulat na sabi ni Daphne.

Tumango ako at tinignan lang naman siya, maski ang mga kaibigan ko ay napalingon at napatingin sa blackboard na may nakasulat Kill yourself Isla Marenivs, kunot noong tinignan ni Schuy ang blackboard.

"Schuy, wag kang lumapit!" sigaw ni Sullivan, nanlalaki na ang mga mata nito.

"Sullivan okay ka lang ba?" tanong ko.

Tila ay natulala siya sa kanyang binabasa, "si Isla ang nawawalang pinsan ni Daphne," sabi ni Alfred sabay hawak sa balikat ko.

Napaluhod na lamang si Daphne at dahan-dahang tumulo ang luha niya pababa sa kanyang pisngi, hindi niya alam kung totoo nga ba talaga ang kanyang nakikita.

"Ang kaso ni Isla Marenivs ay isang napakabrutal na krimen. Try playing the cassette tapes, malay mo may makuha kang sagot kay Gael," sabi ni Alfred, sabay bigay saakin ang Walkman radio.

Umupo kami sa hindi masyadong madugong sahig, napalibot kami at nagsimulang iplay ang Walkman radio.

Play

May isang babaeng nangangalang Isla Marenivs, oo, pinsan siya ni Marcuso Marenivia, I know right, weird ang mga apleyido at name nila, mukhang taga Italy ata tong si Marcuso dahil mismo sa kanyang pangalan.

Natawa ako ng konti sa sinabi ni Gael, ngunit nawala rin ito ng titigan ako ni Sullivan at Schuy.

Hanggang ngayon ang kaso ng pagkamatay niya ay hindi pa rin naisasara, dahil hanggang ngayon iniimbistiga ng mga pulis ang Angelus Corde building, every Saturday pumupunta ang mga pulis sa Play off, para lang mag-imbistiga.

Pagpasok mo pa lamang sa St. Catherine ay sobrang baho na. Dahil sa mga dugong hindi pa nada-dry off dito.

Napalingon ako sa paligid ko at nakita ang nakakadiring resulta ng classroom na ito, sobrang brutal ata ang massacre sa classroom na ito.

At kung lumingon ka ay may makikita kang mensaheng nakalagay "Kill yourself Isla Marenivs", and no this is not accidental, isinulat talaga ito ng isang niyang kaklase hanggang ngayon ay unknown ang pangalan ito.

Isang napakabrutal na krimen ang nangyari kay Isla. Kahit na wala siyang ginawa sa st. Catherine. Ngunit naisali siya sa pagpatay sa massacre dahil wala siyang ginawa sa classroom nila kundi tumulala doon.

Andaming mga theories ang nagsasabing, siya mismo ang nagsulat ng mensaheng nakalagay sa blackboard dahil sabi ng mga pulis, may laslas siya sa wrist at ay laslas din siya sa hita, halatang sinadya niya ang pagsulat sa blackboard, but some believe and majority it is na hindi.

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now