Kabanata 31, Cassette Tapes
"Ano bang ibig sabihin mo Schuy?" nalilitong tanong ni Daphne.
Hindi pa rin niya naiintindihan ang lahat, gusto kong sabihin ang nakita ko sa hallusinasyon ko, pero ayaw kong sabihin iyon ng malakas dahil baka sasabihin nilang baliw ako o ano.
"Alfred, you attempt to kill Daphne."
Mas lalo pa siyang nalito, I know everything that I am saying doesn't make sense, naramdaman ko ang pagtulo ng pawis saaking noo, pupunasan ko sana ito pero naunahan na ako ni Sullivan, gusto ko siyang pigilan sa pagpunas saaking noo dahil naiilang ako, I want him to stop, I want everything to stop.
Lahat ng nakikita ko ay parang totoo dahil nararamdaman ko ang paghawak ng kutsilyo noong mga panahong nasa hallusinasyon ako, alam kong hindi totoo yun but everything felt real.
"Schuy, you're scaring us," pananalita ni Daphne.
Hahawkan na sana niya ang kamay ko pero iniwas ko ang paghawak niya sa kamay ko, she looked at me really confused and everyone just don't understand what I am saying, I know that everything doesn't make sense pero nagbabaka sakali akong totoo ang mga iyon, baka si Alfred ang salarin sa pagpatay o baka isa sa kanilang tatlo, ang mas ikinatatakot ko pa ay e baka wala sa kanila, baka isa sa mga kakilala ko.
"Asan si Carl?" pagpapalit ko ng topic.
Ayaw ko nang marinig nila ang mga walang kwenta kong sinasabi, kaya iniba ko ang usapan, tumingin ako kay Thenaya na ngayon ay tulog pa rin, nabalot ng nakakailang na katahimikan ang buong paligid, nakatingin lang ang nanay ni Thenaya saakin.
"Lumabas siya, bumili ng pagkain," pagsasagot ni Sullivan sa tanong ko.
Tumango-tango ako pero hindi ko siya tinititigan o kahit na ano man, tila bang nakatingin pa rin ako sa mukha ni Thenaya, ang namumulang parte ng kanyang pambabang-pilik mata ay dahan-dahang nawawala, nagulat ako ng makita ko ang paggalaw niya ng kanyang kamay.
Namilog ang mata ko, "Gising na siya!" pabulong kong sabi.
Agad umikot ang nanay ni Thenaya at kita ang paggalaw ng kamay ng dalaga, agad tinawag ng nanay ni Thenaya ang doktor at kita ang saya sa kanyang mukha, tinignan ko ng maigi si Thenaya, dahil baka namamalik-mata lang ako.
"Ma?" pagbanggit niya sa kanyang ina.
Hindi ko pinakita ang tuwa saaking mukha, pero ngumiti lang ako para kahit papaano makita ko ang saya saaking mukha, pumasok ang isang doktor at iilang nurse sa kwarto at chineck ang heartbeat niya, ngumiti ang doktor sa nanay.
"Okay na po sya ma'am, kailangan lang po niya ng tamang pagpapahinga at tulog."
Tumango ang nanay ni Thenaya, pero hindi pa natapos ang doktor at nawala ang ngiti nito sa mukha.
"Pero, kailangan niya po ng tamang pag-take ng gamot, she needs to stay here for 3 days first before we free her, isa rin sa kanya," sabay tingin saakin ng doktor, "they both need the right time to rest and take the medicine's."
Tumango silang lahat, ngumiti si Sullivan, "Salamat po dok," tumango rin ang doktor, lumabas ang doktor at ang iilang nurse at dahan-dahang namulat ang mata ni Thenaya.
"Schuy?" pagbanggit niya sa pangalan ko.
Nagulat silang lahat ng banggitin niya ang pangalan ko, agad naangat ang tingin ng nanay ni Thenaya at agad ngumiti saakin. Nararamdaman kong alam ng nanay ni Thenaya ang nangyayari, pero hindi lang niya sinasabi ang totoo, dahil mukhang sanay na siya sa kondisyon ni Thenaya na ginito, laging nasa ospital.
As usual, she was shocked when she saw that she is in the hospital, she turned her head at my side and saw me, ngumiti siya at kita ko ang pag-alala sa kanyang mukha, lalapit sana siya saakin pero napagtanto niyang naka-dextrose siya.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystery / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...