Kabanata 10, Dream
-Sullivan-
Help me!
"Sino ka, anong kailangan mo saakin?!" paulit-ulit na sigaw ko.
Wala akong makita, sobrang dilim ng paligid, tila ang nakikita ko lang ay ang isang anino. Asan nga ba ako? Ba't pamilyar ang lugar na ito saakin?
Tulungan niyo ako, please!
Sigaw ulit ng babae, kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa itaas ng mesa. Nakita ko ang anino ni...Daphne. Ngunit, wala akong nakitang sign ni Alfred.
Teka, ito ba ang gabing--hindi maari.
Nagmamakaawa ako!
Kasabay ng sunod sunod na putok ng baril. Shit, I am planning to escape but the water keeps on lifting.
"Daphne?" banggit ko sa pangalan niya, ngunit walang sumagot.
"Daphne!" ngayon ay mas nilakasan ko pa at ngayon ay takot na takot na ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, umaapaw na ang tubig at paakyat ng paakyat ito. Kinakabahan ako, walang batid na marinig sa mga kaibigan maski mga boses lang nila ay hindi ko marinig. Nakapikit ako buong magdamag at naramdaman kong nasa balikat ko na ang umaapaw na tubig.
Tutulungan kita.
Narinig ko ang boses ng isang babae, halatang nasa harapan ko na siya dahil naririnig ko ng klaro ang boses niya.
Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko siya saaking harapan, umaalok siya ng kanyang kamay at kinuha ko naman 'yon, she was really beautiful, if I am going to be honest.
Kinuha ko ang kamay niya at dahan-dahan akong tumayo sa ilalim ng table. Ayaw ko namang malunod dito sa loob ng kwarto. Nakita kong wala na si Daphne at Alfred doon sa kwarto. Teka, hindi ginito ang nangyari noong mga gabing iyon.
Asan na nga ba sila?
Teka, nananaginip ba ako?
"Sino ka ba?"
Wala siyang sagot, nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Umapaw ang tubig mula sa kwarto at tumungo ang napakaraming tubig sa hallway ng paaralan. Panaginip nga ito, dahil hindi ginito ang nangyari noong mga gabing iyon.
Asan na nga ba ang dalawang mokong iyon at bakit kami na lang naiwan ng babaeng ito? At sino nga ba siya. ba't siya andito?
Sullivan gumising ka.
Sabi ng babae. Ano bang ibig sabihin ng babaeng ito? Oo nga pala, nananaginip lang ako.
Ba't niya ito ginawa?!
Huminto siya at dahan-dahan na lumapit saakin. This time she was grinning so devilish. I was scared, he hair began to get longer, her simple clothes turned into a bloody uniform, her ordinary sandals are turning into school shoes, her arms are beginning to bleed and her eyes are turning into anger.
Gusto kong malaman kung bakit niya ito ginawa.
"S-sino ba?!"
Habang papalapit ng papalapit siya, paatras ng paatras naman ako. Shit, hindi ko na kakayanin ito, natatakot na ako. Nakakakilabot ang kanyang mukha, puno ng hinanakit at galit ang kanyang mga mata, nahahalatang may masamang niraramdam ito.
Sino ba siya at bakit ginawa niya iyon saakin ng walang karangal-rangal?!
Nagiging boses demonyo ang boses niya. Alam kong dahil sa galit at sa gusto niyang maghiganti ay napunta ang kaluluwa niya sa impyerno at halatang hindi ito matahimik-tahimik.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Misterio / SuspensoIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...