Simula

79 1 0
                                    

Vote and Comment po. 

Simula

My mother told me that there was a girl name Almeronan also known as Almy.

I never know her...

She was a mystery to us...

But it struck us when we encountered weird things...

They all began to die...

They saw her shadows roaming around the campus...

They heard her screaming out without any reason...

Natatahimik ang buong campus tuwing sumisigaw siya...

Walang nakakaalam sa totoo niyang kwento...

Walang nakakaalam sa totoo nilang kwento...

Hindi lang siya mag-isa, kundi madami sila...

"Kailangan ninyong magsakripisyo." Sabi ng binatang nakatali at umiiyak, tilang dugo na ang nililigo ng binata habang nakayuko ito.

"Bakit kayo napapunta dito, gusto niyo ba siyang iligtas?" tanong ng babaeng nakangiti, may hawak na kutsilyo at nakapungos ang buhok. Puti ang damit nito, kaya nahahalatang puno ng dugo ang isinusuot na damit.

Lahat sila nakatali, ngunit may dalawang babae ang may nakalagay na duct tape sa bunganga. Tilang sumisigaw ang dalawang babae ngunit hindi naman sila naririnig sa labas. Ngumiti ang babaeng may hawak na kutsilyo at paulit-ulit na hinihiwa ang buhok ng isang babaeng may nakalagay na duct tape sa bunganga. Walang magawa ang tatlong lalaki kundi tumingin na lang sa babaeng umiiyak.

"Kailangan ninyong magsakripisyo!" napahiyaw ang lalaki, tilang nag-iisip ng paraan ang isa pang lalaki kung papaano sila makakatakas sa trahedyang ito.

"Nababaliw ka na ba Edward?!" naiiyak na sabi ni Eugene.

"Gago ka Eugene? Niisa dapat satin ay dapat mamatay." Sabi ni Edward. Isa naman sa kanila ay nagpupumiglas. Niisa sa kanila ay walang gustong mangyari ito, debale na lang kung gusto talaga nilang mamatay o magpakamatay sa lugar na ito.

"E, bakit kailangan nating mamatay?!" napahiyaw na rin si Eugene dahil na rin sa takot at galit.

"Punyeta naman Euge, anong gusto mo makakaligtas tayo rito o may mamamatay isa satin dito?" tanong ni Edward.

Samantala ang babaeng kanina pang pinuputulan ng buhok ay natahimik na, pinapakinggan na lang ng babae ang pag-uusap ni Edward at Eugene. May nakitang anino ang dalaga, ngunit pinapaniwalaan lang niya na naghahalusinasyon lamang siya.

"Nakita niyo yun?" tanong ni Peter, nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang babaeng nakangiti sa kanya.

Nakaputi siya at gulong-gulo ang buhok niya, may mga pulang marka sa kanyang braso at gising-gisi ang kanyang palda, puno rin ng dugo ang damit niya, nahahalata ito dahil puti ang uniporme ng babae. Nakatingin ito kay Peter, ngumingiti siya at dahan dahang lumapit sa babae. Ngumiti si Peter, ngunit nawala ang ngiti nito nang mawala ang babae.

"Asan na siya?" tanong ni Peter, agad namang nausisa ang babaeng kanina pang nakatingin kay Peter. Kinuha niya ang kutsilyo at agad naman itong sinaksak kay Peter.

"Si Peter ang magsasakripisyo satin!" sigaw ni Edward, ngumiti siya.

"Hindi lang si Peter, kundi kasama na kayo." Nanlaki ang mga mata nila.

"Wag!" sigaw nilang lahat, habang isa-isa silang pinatay.

Nang namatay silang lahat, lumabas ang dalaga, hawak ang kutsilyo, bigla siyang humalakhak ng tawa at ibinaba ang kutsilyo, tumingin siya sa buong paligid at nakuha ang atensyon ng isang babaeng nakaputi, nakauniporme at gisi-gisi ang palda, kasama na rin ang dugong nakamarka sa uniporme ng babae.

"Hindi..."

Natingala lang siya sa babaeng nakatitig sa kanya. Ilang minuto din ang nakalipas, dahan dahang naglakad ang babae patungo sa dalagang nakauniporme. Seryoso ang mukha niya, walang imik siyang naglalakad, ang nakakapagtaka pa nito ay nakapaa ang babae. Puno ng basag na salamin at bubog ang sahig, kaya hindi na makapagtaka kung bakit dumudugo na ang paa niya.

Patuloy pa rin sa paglalakad ang dalaga, ngayon ay nakangiti na siya. Nakarating na siya sa harapan ng babae at kinuha ang taling nakalagay sa isang upuan, tumayo ang babae sa upuan at inilagay ang tali sa isang hook, ipinasok niya ang kanyang ulo sa silo at sinipa ang upuan, upang madiretso na siyang mamatay.

Nawalan na ng buhay ang babae, isang babae ang biglang nagpakita, ngumingiti siya at mas lalong dumami ang dugong nakamarka sa uniporme niya, ang buhok niya ay nakapungos. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang katawan ng dalagang nakabigti.

"Mabuti nga at namatay ka." Bulong niya.

"Pagbabayaran niyo 'to." Sabi niya, nakasimangot siya ngayon at isang patak ng luha ang tumulo sa kanyang pisngi, hindi normal ang kulay ng luha niya, pula ito at mukhang nakakapanindig balahibo ito, tumawa ang babae ng tahimik at tinalikuran ang katawan ng babaeng nakabigti at naglaho ito.


Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now