Kabanata 22

26 1 0
                                    


Kabanata 22, Vision


Pause


Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ng isang lalaki, kaya napataas ako ng kamay, napagtanto kong ako lang pala mag-isa sa sulok, hindi ba nakikita ng lalaking ito, ang mga kaibigan ko?


"Taas!" he repeated.


Napalunok ako ng marinig ko nanaman ang paulit-ulit na sigaw ng mga estudyante sa loob, sa isang iglap bigla akong nakarinig na paulit-ulit na sigaw ng pangalan ko, ilang beses ako nagpalinga-linga pero hindi ko pa rin sila makita.


"Guys, asan kayo?!" sa tono pa lang ng boses ko, alam kong wala na ako sa sarili.


Paulit-ulit na umilangangaw ang pagbanggit ng pangalan ko saaking utak, sumakit na lang bigla ang utak ko at nawalan ako ng ganang itaas ang kamay ko, kaya naibaba ko ito, minasahe ko ang utak ko at pinikit ang aking mga mata.


Wake up Thenaya, this is all a dream, maniwala ka sa sinasabi ng utak mo, this is all a dream, this is all a hallucination.


"Thenaya, Thenaya fucking wake up!" umalingawngaw ulit iyon sa utak ko.


Ano bang nangyayari saakin, bakit ako nagkakaganito at bakit may nararamdaman akong mali saaking katawan, nababaliw na ba ako?


"Thenaya please, stay with us!" I can hear someone clearly now, it's...Schuy.


Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan ni Schuy at Sullivan, ngunit hindi ko pa rin sila nakikita, sa pagkakataong iyon, bigla ako nakaramdam ng hilo, tila bang para may naglagay ng chlorophyll sa bibig ko kaso ng pagkahilo ko.


"Thenaya!" sigaw ulit ni Schuy.


Napapikit ako sa sobrang hilo ko at biglang umalingawngaw ang mga bawat salita sa utak ko, may nagtitilian, may bumabanggit ng pangalan ko, may nagmamakaawa na pakawalan sila.


Once I felt everything was normal, I opened my eyes but this time I wasn't in the classroom anymore, andito na ako sa rooftop ng isang gusali, hindi ko alam kung totoo nga ba ang nakikita ko pero may isang lalaki sa likod ng babae at naka-spread ang dalawang kamay ng babae.


Titanic lang ang peg?


"Teka, anong ginagawa mo sa kanya?" kumunot ang kilay ko ng makitang hinahawakan niya ang dalawang kamay ng babae.


"Teka, hoy!" lumingon siya sa kinatatayuan niya at ngumisi.


Nakakakilabot ang paraan na pagngisi niya saakin, hindi ko alam kung bakit siya nasisiyahan sa kanyang ginagawa, tinanggal niya ang hair tie ng babae at itinapon ito, he began to stroke the girls hair and the girl was barely shaking.


"Wag mong gawin yan sa kanya!" paulit-ulit sinisigaw ko iyon sa lalaki.


Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now