Kabanata 25, Wide Smile
"Bakit hindi man lang sinabi ni Gael na patay na si Laurence sa susunod na tape?!"
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw, andaming mga lihim na hindi pang nasasagot sa utak ko, pero bakit ngayon pa nawala si Laurence at ibang tao na ang pumalit, bakit namatay si Laurence sa Angelus Corde building?
Hindi pa rin nagsalita si Schuy, kaya niyugyog ko siya para magsalita, sana mahilo siya sa ginagawa ko.
"Kasi takot si Gael, takot siyang malaman ng mga nakikinig na patay na si Laurence, dahil nakonsensya siya, nakonsensya siya Thenaya!" napasigaw na rin si Schuy, hindi na niya ata napigilan ang sarili niya.
Pero sa pagkakataong iyon bigla akong napaisip, bakit nakonsensya siya, e namatay naman talaga si Laurence doon sa Angelus Corde building, may ginawa bang masama si Gael kay Laurence na kaso ng pagkapahamak niya?
"Anong nakonsensya, anong ibig sabihin mo Schuy?" mahinahon kong tanong.
"Shit," bigla siyang napamura at madaling naitakip ang kanyang bibig.
May nalaman ba siya sa tapes na hindi ko alam, meron ba akong hindi alam tungkol sa pagkamatay ni Laurence?
Agad kong tinignan ng maayos si Schuy, he is barely sweating halatang may tinatago siya saakin, I looked at him more and this time he avoided eye contact, kaya kinelwelyohan ko siya. "Sabihin mo ang totoo," nanlilisik ang mga mata ko.
"Chill, chill," sabay taas ng kanyang kamay, "sasabihin ko na okay?"
Bumuntong hininga siya bago nagsimula, halatang ninenerbyos siya at mukhang takot na takot siyang sabihin saakin ang totoo, I don't want to live this world as a lie, I want to live my life as the most painful truth ever.
"Pinatay ni Gael si Laurence," he immediately spilled it out. Kumunot ang kilay ko at takang-taka kung bakit naman pinatay ni Gael si Laurence. "Pero, bakit niya pinatay si Laurence, anong valid reason niya?" sunod-sunod kong tanong.
Kumibit balikat siya at mukhang naiilang ang kanyang mukha, halatang pagod na siya. "Sige, matulog ka na dyan, aalis na tayo bukas," sabi ko.
"Already?" nabigla siya ng malaman niyang aalis na kami bukas, I want to know secrets, ayaw ko namang tumambay dito sa ospital na ito at makipag-chikahan lang sa mga nurse nila dito and besides doktor si papa dito, he can fill out the papers.
"What?!" pagsigaw ko.
Hindi ako makapaniwala na next week pa kami aalis dito sa ospital, paano na lang yung mga sikretong gusto kong malaman tungkol sa Play Off Academy?
"Anak, Schuy had a critical injury, nabaril ang binti niya, malamang next week pa kayo makakaalis dahil kailangan niyang magpahinga at ikaw hindi pa ayos yang ulo mo, malakas ang pagkabagsak mo sa sahig, may minor injury ka sa ulo mo."
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Mystère / ThrillerIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...