Kabanata 16, Gael
"Schuylar, answer our question, anong ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ni Sullivan sa kanya.
Alam kong magkakapatid sila at okay lang naman sa magkakapatid ang mag-away, but not this time, andami pa naming kailangan puntahan na ebidensya.
"I said you don't wanna know about it!" sigaw niya sa kanyang kapatid kasama ng pagkunot ng kanyang kilay.
"Schuy, sabihin mo lang naman ang totoo, hindi naman kami magagalit," ako.
"You wanna know the truth?" naiinis na sabi niya, "okay, I'll tell you the truth, I was with Monique earlier and we...we did something," nahihiyang sabi niya.
"What?!" nabigla kaming lahat ng sumigaw si Sullivan ng wala sa oras. "Schuy, panganay kitang kapatid, pero sa ugaling mong iyan, you are acting like a child, ano na bang nangyayari saiyo?! Una, sinaktan mo si Alaina dahil sa isang walang kwentang dahilan at ngayon ginalaw mo si Monique, what is wrong with you?!"
Natahimik si Schuy at napaupo sa sirang couch, kung asan inupuan kanina ni Alfred, hinagod niya ang kanyang mukha at naiinis na sinambunot ang kanyang sarili, he is out of control again.
"Look Schuy, it's just-"
"Iwan niyo na ako dito," nagkatitigan kaming dalawa ni Daphne ng sabihin iyon ni Schuylar.
"Schuy, hindi-"
Hinagod ulit ni Schuy ang kanyang mukha. "Ang sabi ko, iwan niyo na ako dito, hindi niyo ba ako naiintindihan?! Ganyan ba talaga kayo kabobo?!" sigaw niya, sabay hila sa kanyang buhok at nagsimula na itong humagulgol.
Tumayo si Sullivan galing sa couch, kinuha na namin ang mga bag namin, tumango si Sullivan saamin, simbolo na aalis na kami ng opisina at didiretso na kami sa third floor.
"Basta ang sinabi ko saiyo Schuy, wag kang magpatukso sa ibang tao, baka iyon pa ang ikapahamak mo," at isinara na ni Sullivan ang pintuan sa opisina.
Binuksan na namin ang mga flashlight namin, sa mga panahong iyon, hinanap namin ang hagdan patungo sa third floor, nagulat na lamang kami ng malaman naming sarado ang staircase na sa harapan ng opisina ni Parker, kaya pupunta pa kami sa dulo para makaakyat sa third floor.
"Shit, kinakailangan pa nating pumunta sa dulo," sabi ni Alfred, nahirapan siyang isira ang kandado sa nakasaradong staircase, mga panahong iyon, kinabahan na ako.
"Okay, this is it."
Dumiretso na kami patungo sa dulo ng gusali, mabuti naman at nakakita kami ng kahit na kaunting ilaw at malamang nasa iba't-ibang kwarto ito, pagdating namin sa dulo ay may isang napakasilaw na ilaw ang bumungad saamin, mukhang sa first floor lang naman pala ang walang ilaw.
Ipinatay na muna namin ang mga flashlight namin para hindi kami mauubusan ng battery, ngunit bago kami aakyat sa susunod na palapag ng gusali, bigla naming narinig ang sigaw ni Schuy.
YOU ARE READING
Secrets Beneath Play Off Academy
Misterio / SuspensoIsang bagong estudyante si Thenaya Dyson sa Play Off Academy. Naging mahirap sa kanya ang lahat, lalo na't hindi pa niya kilala ang lahat at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya, as the usual typical transferee student would experience. But how abo...