Kabanata 30

18 1 0
                                    

Kabanata 30, Hospital

"Are you sure about this?" nag-aalinlangan si Carl, dahil hindi niya alam kung anong ie-expect, kitang-kita kong kinakabahan siya, hindi man kami kilala ng mga magulang ni Thenaya, pero gawin namin ang makakaya namin para makita siya.

"Wag kang mag-alala, I bet she's fine."

Pinapakalma ko lang silang lahat, maski ako ay kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong ie-expect, dahil baka iba na ang ugali ni Thenaya o baka naman, nag-iba na siya, tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ko ginagawa ito, pero dahil ata sa kuryosidad nagawa ko ito.

Bumuntong hininga ako bago kumatok sa gate nila, hindi naman gaano kalaki ang bahay nila, pero tamanag-tama lang ito para sa pamilya nila, dahil ang pagkakaalam ko, hindi naman ganun kalaki ang pamilya nina Thenaya.

Rinig ko ang tsinelas na papalapit sa gate, kaya inihanda ko na ang sarili ko, bumukas ang pintuan at bumungad agad saamin ang isang lalaki, mukhang mas bata lang nga siya kay Thenaya.

"Anong kailangan niyo?" seryosong tanong ng bata, walang emosyon ang ipinakita niya saamin kaya agad kaming kinabahan, halatang-halata sa kanyang mukha na wala siyang ganang makipag-usap na kahit na kaynino ngayon.

"Paumanhin, andyan po si Thenaya?" si Daphne na ang nagsalita saamin, dahil alam kong mali ang masabi ko pag-binuksan ko na ang bibig ko.

"Bakit, anong kailangan niyo sa kanya?" kumbit-kibot ang panga ng binata, tinignan niya kaming lahat isa-isa, habang kami naman ay nagsitinginan sa isa't-isa.

Bumuntong hininga si Alfred at agad nagsalita, "gusto lang namin siyang bisitahin."

Umirap ang binata, "Wala siyang ganang makipagkita sa kahit na kanin-" hindi pa natapos ang sinabi ng binata ay nakita ko ang isang babae, mukhang nasa 30's na ang babae, at hula ko ito ang nanay ni Thenaya.

"Thor, pumasok ka na muna!" utos ng babae, sumunod naman ang binata at pumasok sa bahay, ngayon ay ang babae naman ang lumapit saamin, ningitian niya kami pero pilit ito.

Tinignan niya kami isa-isa, "Anong kailangan niyo?" nag-cross arm ang babae at kinabahan kami sa paraan ng kanyang pagtitig saamin.

"G-gusto lang po namin makita si Thenaya," sabi ni Carl.

Bumuntong hininga ang babae at malawak na binuksan niya ang pintuan, "Salamat po," sabi ko, sabay ngiti sa kanya.

"Kung nagtataka man kayo kung nasa'n ang anak ko, andoon siya sa kanyang kwarto!"

Tumango kaming lahat at dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay, ginabayan kami ng nanay ni Thenaya patungo sa kanyang kwarto, kita namin ang kulay-rosas niyang pintuan, kita rin ang iba't-ibang mga sticker doon.

Pumasok na muna ang nanay ni Thenaya, "Anak, may mga bisita ka."

"Sino po?" hindi ko gusto ang tono ng boses niya, dahil parang takot na takot siyang malaman na may bisita sa kanilang bahay.

Tinignan niya kami at tumango, pumasok kami sa bahay ni Thenaya at gulat na gulat siyang makita kami, namilog ang kanyang mata at kita ang pagnginig ng kanyang kamay, "a-anong ginagawa niyo dito?"

Lumapit kaming dalawa ni Daphne sa kanya, pero kita ang takot sa kanyanga mukha, "wag kayong lumapit saakin!" hindi siya mapakali, ano bang nangyari sa kanya at bigla siyang nagkaganito?

"Please, wag niyo akong saktan!" maiyak-iyak niyang sabi.

"Thenaya, anong nangyayari saiyo?"

Tinatakpan niya ang kanyang mukha, nguminginig siya, takot na takot siya, nagwawala siya pero hindi namin naiintindihan kung bakit siya nagakakaganito.

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now