Kabanata 33

21 1 0
                                    


Kabanata 33, Signs

Friday. Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos mangyari ang bangayan namin sa ospital, kinabukasan wala naman ding nangyari, dahil uuwi na rin kami ng mga panahong iyon, kita ko ang saya at lungkot saaking mga kaibigan.

Pumasok ako ng klase at kita ang iba't-ibang reaksyon ng mga kaklase ko, nakangiti silang lahat saakin, may ibang naiirita ng kaunti.

"Thenaya, welcome back!" lumapit ang isa sa mga kaklase ko at binati ako, ngumiti lang ako sa kanya, wala akong ganang makipag-usap sa mga kaklase ko, pero I miss them so much.

Umupo ako sa upuan ko at pumasok si Maam Sullidad, nakangiti siya habang ang ibang mga kaklase ko naman ay mukhang ninenerbyos, minsan na lang nga nakangiti itong si Maam Sullidad, ngayon pa sila ninenerbyos.

Well, I was gone for a week, so baka may dahilan kung bakit bigla na lamang siyang ngumingiti ng ganyan kalapad.

Lahat ng mga kaklase ko ay napuno ng katahimikan, ang malapad na ngiti ni Maam Sullidad ay nawala, nagsimula na siyang magturo, I felt someone poked me from behind, umikot ang ulo ko sa taong kumuhit saakin.

Kita ko ang pag-alinlangan na kausapin ako ni Daphne, ilang beses siyang napa-sulyap sulyap kay Maam Sullidad, "Maam Sullidad is acting lately," sabi niya. Maski siya ay nagtataka kung bakit ganyan ang pag-uugali ni Maam Sullidad, she is creeping us out.

Nararamdaman kong may alam ang mga kaklase ko nito, pero hindi lang nila sinasabi saamin, I don't know why I felt that someone was watching me the whole time, ilang beses akong napalinga-linga sa buong paligid, ayokong magpahalata dahil baka bigla akong susugurin ni Maam Sullidad.

Oras ng pagtunog ng kampana ng paaralan, lumabas lahat ng mga estudyante maski ang guro, naiwan ako sa loob dahil matagal ang pagligpit ko ng gamit.

"Kamusta?" lumingon ako at nadatnan ko kaagad si Carl, nakangiti.

Everything is strange lately, ilang araw kasi akong nawala para magpahinga sa bahay at hindi na muna papasok sa paaralan dahil baka ma-stress ako, ayon kay mama.

"I'm fine," sabi ko.

Hindi ganon kalayo ang lalakarin niya para lapitan ako, hawak-hawak ang bag niya sa likod, kita ko ang lapad ng kanyang ngiti, I think he is having a great day, hindi ko alam kung bakit ako nangingilabot dahil iba ang lapad ng kanyang ngiti.

"Carl, okay ka lang?" I couldn't hold on myself but to ask him.

"Yeah, I'm fine. Asan nga pala sina Sullivan, ba't hindi ka sumabay sa kanila?" he asked, still smiling widely.

"Kita mong andami kong gamit na dala, imposible na makakasabay pa ako sa kanila and besides, tatawagan ko lang naman si Daphne para sasabay kaming uuwi, alam mo naman 'yon, matagal umuwi dahil lumalandi pa sa mga basketball players sa court," we both laughed, nawala ang matamis niyang ngiti at napalitan ito ng mapait.

He sighed, "You know, I am tired of everything," he said.

"Why are you tired of everything, kakabalik ko lang ganyan na agad ang mood mo?"

He chuckled, suddenly I had the urge to get out of the room because I felt that someone is literally watching me but I couldn't left because Carl keeps on talking but I do respect him, because his not yet that popular, his gaining his reputation.

"Alam mo Thenaya, may mga pagkakataong kailangan mong tumakas sa reyalidad, para makatakas ka sa mga problema mo at magiging malaya ka sa sarili mong mundo."

"Wow, ang deep mo rin noh?" I teased. He chuckled again, inayos niya ang paghawak niya ng kanyang bag at bumuntong hininga.

"Well, I need to go, see you on Monday?"

Secrets Beneath Play Off AcademyWhere stories live. Discover now