(27) Face Off

427 32 23
                                    



Naruto's POV

Grabe! Ayoko talaga sa mga ospital! Parang nanghihina ako lalo! Buti nalang at nakalabas na ako ngayon! Sana ginaya ko rin si Sasuke, lumabas din sana ako agad paggising ko eh di sana hindi ako nagstay dun ng isang araw! Hindi kaya masarap ang mga pagkain dun!

Namiss ko na ang ramen sa Ichiraku! Looks like I'm gonna be spending a lot for this meal.

I happily skipped my way to Ichiraku. 

Bago ako makarating ng Ichiraku, nakita ko si Gaara. Nandito pa pala siya? I ran towards him.

"Gaara!" tawag ko sa kanya.

Nakuha ko ang atensyon niya and he gave me a small nod. "Naruto."

"Nandito pa pala kayo dito sa Konoha?" Tanong ko sa kanya nung makarating ako sa harap niya.

He nodded. "Oo, madami pa kasing meetings para sa kaayusan ng relasyon ng Suna at Konoha."

"Bakit nandito ka kung may meetings pala?" tanong ko sa kanya.

His face immediately paints sadness then he looked down.



Oh.



"Nah mabuti na rin yun! sigurado naman akong boring dun! Ang mabuti pa sumama ka sa'kin sa Ichiraku. Libre ko. Halika na!" masiglang sabi ko at hinatak ko siya papuntang Ichiraku kahit hindi pa siya nakakasagot.

Nung nakarating kami sa Ichiraku agad kaming umupo sa stalls. "Teuchi-san! Dalawang miso ramen!" sabi ko kay Teuchi.

"Coming right up!" sagot niya sa'kin at nagpatuloy na siya sa pagluto.

I then faced Gaara, who's looking down at the table na parang may malalim na iniisip.

"So Gaara ano ban------"

"Ano bang nangyari bago umalis si Nikashi Naruto?" seryosong tanong ni Gaara sa'kin cutting me off.

It caught me off guard. Naalala ko na naman ang mga nangyari sa araw na yun. I looked sadly at the table and then I told him everything that happened, simula nung gumising sila Sasuke at Kakashi-sensei hanggang sa makalaban ko si Nikashi sa Valley of End.

"....pero nung nagkamalay kami kahapon, sabi sa'min ni Kakashi-sensei nung natagpuan niya kami, majority ng mga sugat namin ay naghilom especially the deep ones. Ang suspetsiya namin pinagaling kami ni Nikashi. But Sasuke believes otherwise, hindi ko talaga siya maintindihan!" I finished speaking then I slurped the ramen. Hmmm, namiss ko talaga 'to!

He looked like he's in deep thoughts while staring at the ramen in front of him intensely. Ang ramen kinakain, hindi tinititigan,

Sasawayin ko sana siya nung bigla siyang magsalita. "Naniniwala din ako." He stated.

I gave him a confused look. "Huh?"

He closed his eyes momentarily before his face lit up with hope. "Naniniwala din akong siya ang nagpagaling sa inyo."

My eyes widened momentarily bago ako makarecover and then I grinned widely. "Dapat dumami yung mga taong katulad mo! Hindi tulad nung Sasukeng yun! Madaling mawalan ng pag-asa!" I exclaimed.

He turned to me. "Bakit ba naaapektuhan ng husto si Uchiha sa pag-alis ni Nikashi?" tanong niya sa'kin.

I sighed heavily then I closed my eyes, remembering kung paano umakto si Sasuke kung kasama niya si Nikashi. "Nung hindi pa umalis si Nikashi, team 7 was really alive. Ang saya-saya namin, she lit up the whole room nung nandito pa siya. Nung umalis siya, kaming lahat apektado lalong-lalo na si Sasuke." Then I sighed. "Hindi nag-oopen up si Sasuke sa'min ni Sakura, kay Nikashi lang. Ang cold niya sa'min, kay Nikashi hindi. Hindi niya kami nginingitian, kay Nikashi ang lawak ng ngiti niya. Ang tipid magsalita ni Sasuke pagdating sa'min puro 'hn' lang pero kay Nikashi parang ang buong dictionary narerecite niya. Noon pa nahahalata ko na ang mga yun kaya napag-alaman kong ang laki ng paghanga niya kay Nikashi. Nung umalis si Nikashi, nasaktan siya ng husto. I couldn't blame him kung magalit siya kay Nikashi pero it's pathetic kung balak niyang maghigante sa kanya kapag nagkita sila ulit." Ginulo ko ang buhok ko. "Hindi ko talaga siya maintindihan! Ang sabi niya mahal niya si Nikashi pero bakit hindi niya maisip na baka may rasun lang si Nikashi kung bakit niya nagawa yun!" I finished telling him.

Gaara looked like he's in deep thought. So ganun lang ang reaksyon niya sa haba ba naman ng kwinento ko? Wow lang. 

It went on for about a few minutes kaya minabuti kong kumain muna, baka malunod ako sa lalim ng iniisip niya.



I was halfway on my current bowl of ramen nung biglang magsalita si Gaara. "Wanna know something?" he gruffly said.

Nilingun ko siya kahit may ramen pa sa bibig ko. I raised one of my eyebrows. "Ano ba yun?" tanong ko sa kanya with noodles inside my mouth.

He looked straight into my eyes at ang seryoso ng mukha niya. "Mahal ko rin si Nikashi." Sabi niya without any trace of joke in it.

Lumaki yung mga mata ko at nalunok ko ang ramen ng wala sa oras, ayoko iluwa kasi sayang. "ANO?!" shock na tanong ko sa kanya.

Bago pa makasagot si Gaara, a hand grabbed his collar. Isang galit na Sasuke ang nakita kong humawak sa kwelyo ni Gaara.

"Sasuke!" saway ko sa kanya pero hindi siya natinag.

"Anong sabi mo?" he angrily asked Gaara with an intense glare.

Gaara didn't back down and he glared as well. "Mahal ko si Nikashi." He simply said.

Hinigpitan ni Sasuke ang hawak niya sa kwelyo ni Gaara. "Anong karapatan ng isang halimaw na katulad mong mahalin si Nikashi?" Sasuke spat out with anger.

Hindi ko mapigilang masaktan din sa sinabi ni Sasuke dahil pareho lang kami ni Gaara na isang jinchuuriki. "Sasuke tama na!" saway ko pero hindi pa rin nila ako pinapansin. Anong role ko dito, decoration? -_-

Mas tumindi ang glare ni Gaara. "Ako ba ang nanumpang maghigante kay Nikashi? Bakit ako ang walang karapatang mahalin siya?"

Mas tumindi ang galit sa mukha ni Sasuke. Nanginginig yung mga kamay niya na nakahawak sa kwelyo ni Gaara dahil sa galit. He was about to land a punch on Gaara's face nung prinotektahan si Gaara ng buhangin niya na nagdulot na matapon si Sasuke ng ilang metro. Sasuke landed on his hands at nagbackflip siya ng isang beses bago siya makatayo ng maayos. Nung tumingin siya ulit kay Gaara nakaactivate na yung sharingan niya. Si Gaara naman nakabattle stance na. It all happened so fast.

Agad akong pumagitna sa kanila. "Tama na! Baka magdulot na naman kayo ng malaking pinsala sa paligid. Ayaw natin yun di ba?!" sigaw ko sa kanila.

"Naruto umalis ka diyan!" sita ni Sasuke sa'kin while glaring at Gaara.

"Hindi hangga't hindi niyo titigilan yan!" I determinedly said.

"Wag kang mangialam dito!" sabi niya na may halong galit.

"Sasuke kagagaling lang salakayin ng Konoha, hindi pa natin kailangan ng away dattebayo!"

He glared at me but I didn't back down.

It went on for a few seconds before Gaara sighed.

"Ang mabuti pa umalis na ako Naruto." Gaara gruffly said at naglaho na siya in a gust of sand bago pa ako makasagot.

Sasuke deactivated his sharingan and he approached me angrily. Hinawakan niya ang kwelyo ko harshly. "Bakit ka ba nangingialam?" he angrily asked me.

"Gaya ng sabi ko kanina, hindi pa kailangan ng village natin ang isang away ngayon! nagrerecover pa ang bayan Sasuke! at tsaka kagagaling lang natin ng ospital! Gusto mo bang bumalik agad dun?!" sabi ko sa kanya.

Diniinan niya ang hawak sa kwelyo ko. "Ang hilig mong makisawsaw. Sa susunod, wag ka nalang mangialam." He spat bago niya binitawan ang kwelyo ko at tumalikod para maglakad palayo.

Nung nakalayo na siya, bumuntong hininga ako.

Mahal din ni Gaara si Nikashi? Paano nangyari yun? At si Sasuke naman masyado nang mainitin yung ulo niya.

I scratch the back of my neck.

Naku naman! Ang komplikado ng sitwasyon masyado!

Naruto's twin sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon