Kanina pa lakad ng lakad si Zayelee ngunit hindi niya alam kung saan siya patungo. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa pero hindi niya ito inalintana. Ang tanging nasa isip lamang niya ngayon ay ang eksenang kanina niyang nasaksihan. Hindi niya mawari kung bakit nagawa siyang lokohin ng taong pinagkatiwalaan niya sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.Hindi niya alam kung anong oras na, hindi niya rin alam kung gaano na siya katagal na naglalakad pero ngayo'y ramdam niya na pagod na ang kanyang mga paa sa kakalakad at maging ang kanyang lalamunan ay tuyo na rin dahil mula sa kanyang pagkaka-alala, ni hindi man lamang siya naka-inom ng tubig simula ng pag-alis niya sa kanilang bahay, sa pagmamadaling baka mahuli siya sa usapan 'nila' na magkita sa paborito niyang café sa lugar nila.
Napag-isipan ni Zayelee na magpahinga sa lilim ng puno na ngayo'y hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya dahil tumitindi na ang sikat ng araw. Laking pasalamat na lamang niya na walang katao-tao sa paligid lalong-lalo na, na kinakailangan niya ng katahimikan.
"Ang ganda ng lugar na 'to no?" tila parang naglahong bula ang kanyang mga iniisip ng may marinig siyang boses ng lalaki, di kalayuan sa kanyang kinahihigaan. Mabilis siyang napaupo at napalingon sa kanyang paligid at tila ngayon lamang pumasok sa kanyang isip na ngayon lang niya nakita ang lugar na ito at ngayon lamang din siya napatanong sa sarili niya kung bakit ngayon lamang siya naparito.
"Kanina pa kita inaantay magsalita pero you seem pre-occupied." Muling sabi ng lalaki at ngayo'y lumabas siya mula sa kinaroroonan. Napatingin sa kanyang dako si Zayelee. Isang Moreno at matangkad na lalaki ang kanyang nakikita. Kapansin-pansin ang 'brown' nitong buhok na akala mo'y isa sa mga 'anime characters' na kanyang napapanuod dahil sa medyo magulo at paiba-ibang direksyon ng mga ito at ang kanyang suot na parang si 'Stefan' sa paborito niyang palabas na 'The Vampire Diaries'. Napangiti siya sa naisip ngunit bigla siyang nagtaka kung bakit kinakausap siya nito gayong hindi naman sila magkakilala. At ano daw ang sinabi nito? Kanina pa niyang inaantay na magsalita siya? So kanina pa siya nito tinititigan?
"Sino ka?". Nakakunot noong tanong ni Zayelee. Sa ordinaryong araw, malamang ay ngingitian niya na ito at kakausapin ng maayos ngunit hindi ito ordinaryong araw para sa kanya. Siguro naman ay may karapatan siyang umakto ng ganito kahit ngayong araw lang ika niya. At sino nga ba ang lalaking ito para gambalain siya sa araw na gustong-gusto niyang mapag-isa? Hindi ba nito napansing ayaw niya ng kausap?
"Oh sorry, My name's Ryder. I was just checking the rainforest there and I saw you when I was coming back." Tugon ng lalaki na ngayo'y nakangiti pa rin sa malungkot na mukha ni Zayelee. "I think you should stop whatever you're thinking and look around you. I'm sure it'll help." Dagdag pa nito.
Imbes na tumugon ang dalaga ay tumingin na lamang siya sa kanyang paligid.
"Hilig mong matulala no?" tanong ng binata.
"Grabe, napaka-observant mong tao." Sarkastikong tugon ni Zayelee rito.
"Oo naman! If you're wondering why I'm here, I don't know either. My mum used to tell me that the world needs kindness. And growing up I realise she's right and I think this one will set as a good example. Seeing as you don't seem to care what's around you, I thought you might want to talk about what's going on in your head. Come on, tell me. We don't know each other so I won't judge."
"Your mum sounds like a kind-hearted woman. Thanks for offering but I can handle this on my own." Simple niyang sagot. Hindi niya maitatago ang paghanga at pagkainis sa tinuran nito. How can he talk to a complete stranger this easy?
"Ahh, you're not one of those bitchy-independent woman, are you?" tanong nito na nakakunot ang noo habang pinaglalaruan ang sa tingin niya'y, ang car keys nito.
"Actually, that's what I aspire to become! You know, yung hindi nagdi-depende sa ibang tao but yourself. That you don't need anyone, not even a man to complete you." Buntong-hininga niya. If only it's that easy...
"Woah. Where did that come from? Spill! I have whole day. I'm sure it'll help." Muling pangungumbinsi nito saka umupo sa tabi niya. She feels a little bit uneasy knowing he's a stranger kaya umisod ito ng kaunti.
Zayelee rolled her eyes to the ridiculousness of all this. A stranger who's willing to listen to her... Wala naman sigurong mawawala diba? Maybe he's right. Maybe it'll help. What are the chances to bump to this stranger again right? She won't lose anything, she convinced herself. "It's nothing really. I was just... involved with someone who doesn't care about me. I knew I shouldn't have involve myself with him but I just needed someone and..." Ano ba ang dapat niyang idugtong dito? She seems lost for words, for everything.
"And you found yourself thinking that maybe he's worth letting your walls down. He's worth staying up late at night and worth spending your effort and time with because it has been that long since someone took notice of you and your pains." Tuloy-tuloy na sabi ng binata. "Finally, someone showed you that you are appreciated."
A/N: I'm a beginner but I've been a member of Wattpad since 2012. Please do comment and let me know what you think! Enjoy! X
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...