"What are we going to do now?" tanong ni Saige sa mga kasama na nagpasyang magpahinga muna sa malapit na café.
"Uhm, maybe we should take a rest. Remember guys, don't eat anything! Spare yourselves from eating anything because we're going to have a big lunch!" nakangising sabi ni E.J na siyang umani ng halakhak sa mga kasama nila.
"Freaking hell. Sana nanahimik nalang ako kanina." Nagsusumamong tugon ni Riordan.
"Minsan ka na nga lang manlibre eh." Sabi naman ni Ryder.
"Tanga! Malamang nasa Maynila kayo, nandito naman ako." Riordan rolled his eyes at him.
"I think it's time for me and Zayelee to go. Bye guys!"
"Baby, text nalang kita kung saan tayo magla-lunch. Baka sunduin nalang din namin kayo." Nakangiting sabi ng kanyang kuya E.J
"Sige kuya. Bye!"
"Friends na ba kayo ni Pierce?" tanong ng kanyang kaibigan na nakahiga sa kanyang kama.
"Pierce? Well, he kinda offered... but I don't know." Nakangiwi niyang tugon rito.
"What? Kelan siya nag- "kinda offered"? Ba't di mo sinabi sakin?" Saige quoted through the air.
"I didn't have time to tell you. Kanina lang 'yun!"
"Paano niya in-offer sayo yung friendship niya?"
"Sabi niya na since best friend siya ng mga kuya ko then baka daw pwede kaming maging friends para hindi awkward... ganon." She couldn't look at Saige dahil baka mabasa lang ng kanyang kaibigan ang kanyang mukha. Ayaw niyang ikwento pa rito ang nangyari kanina. She's Saige, she'll definitely think outside the box and she doesn't know whether it's a good or a bad thing.
"Bakit hindi mo in-accept? Ba't ang bilis mo namang in-accept yung offers nila Riordan at Ryder?" Naguguluhan ng kaonti si Saige sa sinabi ng kaibigan. Akala ba niya ay gusto niyang lumabas ng kanyang comfort zone? O gusto niyang magkaroon ng bagong kaibigan? Now that the opportunity is here, eh mukhang hihindian niya pa.
"Hindi naman sa hinindian ko 'yung tao." Well, somehow it seems like it. She just didn't know how to respond to it.
"Nag-aalinlangan ka ba sa kanya dahil hindi siya masyadong nagsasalita? Best friend 'yun ng mga kuya mo gaya ni Riordan at Ryder."
"Hindi ah! Hindi ko talaga alam." Diretso niyang tingin sa kaibigan na nakakunot na ang noo at nakaupo sa kama.
"That's a weird answer Lé. Hindi kaya may lihim kang pagtingin sa kanya?"
"Wala! Ba't naman ako magkakagusto sa kanya ng ganito kadali Saige? Hindi pa ako handa sa ganyang bagay." Malungkot niyang pagdepensa sa sarili.
"Okay! Just thinking of a possible reason. Kailan ka may balak na kausapin si...Kean?" she eyed her best friend just incase na magalit ito sa kanya. Gusto niya lang naman na maging maayos na ang mga bagay-bagay sa kanilang dalawa kahit na naiinis siya sa tarantadong iyon! Her best friend needs peace in her life, hindi itong kahit siya'y naguguluhan sa estado nila. Kahit sino naman ay hindi deserving sa ganitong sitwasyon.
"I don't want to reach out to him Saige. I mean, I'm the girl here! Ngayon ko lang na-realise na ako palagi ang gumagawa ng paraan para magkita kami noon. Minsan siya 'yung nag-iisip na magkita kami pero hindi naman talaga siya gumagawa ng paraan. Kaya ngayon, I think it's time for him to put some effort in whatever we had Saige. 'Yun ay kung talagang mahalaga sa kanya 'yung pinagsamahan namin."
"I just hope gagawin niya yan Lé."
Humiga na rin si Zayelee sa kanyang kama at binuksan ang kanyang isang cellphone. Ang lumang cellphone lang kasi niya ang naisipan niyang buksan na siya namang ginagamit niya na pantawag sa kanyang mga kuya at kay Saige habang ang isa naman ay binili niya noon para makausap ng maayos si Kean. Hindi niya na rin kasi mapakinabangan ang luma niyang phone pag mago-online kaya't ayun, napabili siya ng bago. Kinakabahan ng binuksan ni Zayelee ang kanyang cellphone. Mag-iisang linggo na rin kasi niyang hindi ito nabuksan. May matatanggap kaya siyang mensahe o tawag galing kay Kean? Mapapansin ba nitong iniiwasan niya ito? Her phone started buzzing. Ramdam niya na ang kabog ng kanyang puso. A part of her hopes na galing kay Kean ang mga mensaheng iyon.
Kean: Good morning Lee! I'll see you later :)
Nag-text pala ang mokong noong araw na dapat ay magkikita sila. Masyado yata siyang nagmamadali noong araw na iyon kaya't hindi niya napansing nag-reply ito.
Kean: Hey, na'san kana? :)
This was sent to her noong 11:20 am... baka ito 'yung time na umalis na siya dahil nakita niya na may kahalikan ito. Ang sakit pa rin talagang isipin ang pangyayaring iyon. Akala niya'y papawi ang sakit dahil napapalibutan naman siya ng mga kuya at kaibigan niya at nagiging masaya naman siya kasama sila pero parang wala yatang nagbago sa sakit na nararamdaman niya.
Kean: Is there something wrong? Hindi ka ba pinayagan ng mama mo? Akala ko ba wala siya diyan sainyo?
Tinatanong mo 'ko niyan? Really? Hindi mo ba nari-realise na alam ko ang ginawa mo? Halong inis at galit ang nararamdaman niya sa lalaking iyon! Kung makaasta siya sa mga text niya'y napaka-inosente niya!
Kean: Lee, umuwi nalang ako. Hindi ka rin naman dumating. I really hope you're okay :( next time nalang tayo mag-breakfast together? Pwede ring mag-picnic tayo... only if you want. Mag-reply ka if you can, ha. I miss you already :(
Tangina mo! Hindi na napigilan ng dalaga ang magmura sa isip niya. Never pa siyang nagmura ng ganito pero abot na talaga siya sa kanyang sukdulan. Ni hindi man lang ito nag-abalang tumawag. O baka busy siya sa bago niya? Pinaikot lang pala niya ko, ganon? Zayelee thought to herself. Simula ng araw na iyon hindi man lang siya tumawag sa kanya? Unbelievable! Now, she's really starting to think that she's not as important as she thinks she is in his life!
"Lé!" sigaw ni Saige sa kabigan at niyugyog ang balikat nito. Kanina niya pa namamataang tahimik ito simula ng hawak nito ang kanyang cellphone. May haka-haka siyang ito ang cellphone na tinutukoy sa kanya ni Zayelee para mas makausap daw ng matino si Kean dahil nagloloko ang isa niyang phone. And now that she saw her crying ay nakumpirma nga niya ang kanyang suspetsya. Hindi naman ito iiyak kung hindi ito tungkol kay Kean. Maliban nalang kung tungkol ito sa mama niya.
Hindi pa rin matanggal-tanggal ang mga mata ni Zayelee sa screen ng kanyang cellphone kaya't nilapitan na siya ni Saige at kinuha ito mula sa kanyang pagkakahawak.
"Come here." Mahinang sabi ni Saige at hinagkan ang kaibigan. Lubos na naaawa si Saige sa pinagdadaanan ng kaibigan. If only she can do something to help her forget about that bastard. But she can only encourage her and be there for her and the rest ay si Zayelee na ang may hawak ng desisyon at courage to forget him.
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Zayelee and she hates herself for doing so. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya sa pag-iyak. Paano nga ba tumigil?
Before things get worse for her ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa kaibigan. Ayaw naman niyang mamugto ang kanyang mga mata lalo na at kakain pa naman silang lahat mamaya.
"You feel a little bit better?"
"Yeah. Maybe we should go outside?" yaya sa kanya ni Zayelee saka sila nagbihis. Hindi na nila pinag-usapan pa ang nangyari kanina. Alam naman ni Zayelee na kung gusto niyang may kausap ay nandyan lang si Saige.
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
Roman d'amourWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...