"Leeeeeé!" Saige shouted as she saw her bestfriend walking with Riordan. Kanina pa siya nag-alala kung saan ito pumunta lalo na't hindi man lang ito nag-iwan ng note. Nagyakapan silang dalawa at napansin niyang nakasuot ito ng two-piece sa unang pagkakataon. "'San ka naman nagpupupunta? We've been looking for you!" pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"I just went out to swim and got myself a breakfast! Na'san sila kuya? Tsaka, ba't niyo ko hinahanap? I was planning to go back sa cottage natin ng makita ako ni Riordan." She replied na may halong pagtataka. Ano naman ang gagawin nila ng ganito kaaga?
"Why weren't you answering your phone?" a voice asked behind Zayelee which she figured out is her kuya E.J.
"Ugh, naligo lang po ako sa dagat 'Tay! Bakit niyo ba ko pinaghahanap?" naiinis na si Zayelee sa kanila dahil hindi man lang nila pinapansin ang kanyang tanong. Napansin niyang kakarating lang rin nila Riordan, Ryder at Pierce. "Na'san si kuya Blaise?"
"Yohoo!" Zayelee heard someone shouting at napansin niyang nakatingin na sa dagat ang kanyang mga kasama. It was Blaise riding a jetski! Umikot pa ito for the last time saka pumalaot at lumapit sa kanila.
"That was fun eh?" ngiting-ngiti niyang salubong sa kanila.
"Hell yeah! Where's ours?" pagsang-ayon ni Riordan.
"Mag-antay ka Ri. Hinahanda na ng mga staff. They said it'll be here in 5 minutes."
Hindi nga nagtagal ng dumating na ang isang staff para ipaalam sa kanilang handa na ang kanilang mga jetski.
"Hello sainyo! Ako po si John. Ready na po ang inyong mga jetski. Dun na po namin inihanda sa kabilang side. Sundan niyo nalang ako." Magalang na sabi nito saka ngumiti sa kanila at tumungo sa kabilang side ng isla.
"Hmm... John looks cute." Saige said out of nowhere na siya namang ikinagulat ni Zayelee dahil kanina lang ay nagpaalam itong magto-toilet.
"Gaga!" she simply said and they both laughed. Ang hilig talaga nitong si Saige sa mga lalake. Their looks anyway. Ang swerte nga niya dahil may ka-M.U ito sa kaibigan ng kanyang kuya—si Terrence. She hasn't met him yet dahil kagaya nila Pierce at Ryder ay naninirahan ito sa Maynila. Saige was introduced to Terrence the first time she went there to pay her Dad a visit. Diumano'y kaibigan ng kanyang ama ang mga parents ni Terrence. Saige stayed there for a month at ng bumalik ito'y ibinalita niya kay Zayelee na nahanap niya na raw si Mr. Right.
"Nice bikini! What's the sudden change of heart?" Saige asked. Pansin niyang simula noong nag-usap sila ng kaibigan ay unti-unti itong nagbabago. Not in a bad way though. Gusto niyang makita itong lumabas sa kanyang comfort zone at ito nga ang kanyang nakikita. She's glad that she's finally doing something for herself.
"Hmm... wala lang. Naisipan ko lang. Tsaka, ginanahan lang akong magsuot nito kanina dahil walang masyadong tao." Ngayong parami na ang mga tao sa paligid ay nag-uumpisa na ring maging uncomfortable si Zayelee sa suot niya. Buti nalang at may suot siyang see-through dress kung hindi ay kanina pa siya nagpalit.
"Oh, you're fine. You look great! Be proud!" pangungumbinsi ni Saige before she playfully hit Zayelee's butt. Noon pa ma'y pinipilit niya na itong mag-suot ng bikini dahil nagagandahan siya sa katawan ng kaibigan. Naiinggit nga siya rito dahil unlike her ay hindi ito naggi-gain weight kahit kumain ito ng sandamakmak na pagkain. Zayelee did the same thing saka sila nagtawanan.
"Nice playtime girls! Pasali!" pabirong sabi ni Riordan. Napailing nalang sng dalawang babae sa kakulitan ni Riordan.
"Subukan mo lang Ri!" sigaw ni Blaise na nasa unahan nila.
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...