Maagang nagising si Zayelee kaya napag-isipan niyang lumabas ng kanilang cottage at pumunta sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi rin naman siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa walangkwentang lalaki na iyon. Napag-desisyunan niya na rin lumangoy kaya nagsuot siya ng two-piece with a see-through dress on top. Napangiti siya dahil paniguradong magiging proud ang kanyang kaibigang si Saige dahil naisipan niyang gawin ito kesa sa nakasayanan niyang mag-suot ng short sa paimbaba niya.
Alas-sais pa lamang ng umaga kaya wala pang maraming tao sa paligid. Panigurado'y pagod ang mga ito sa nangyaring malaking beach party kagabi malapit sa kanilang tinutuluyang cottage. Mukhang natapos ang mga ito ng madaling araw dahil narinig niya pa ang mga hiyawan ng mga ito bago siya matulog. Mabuti nalang ay strikto ang may-ari nitong resort pagdating sa pagpapatugtog ng musika dahil hindi ito naging problema sa kanila kagabi. Mas malakas pa yata ang hilik ni Saige kesa sa music ng mga nagpa-party.
"Good morning, Ma'am." Nakangiting bati ng isa sa mga staff ng resort sa kanya na ngayo'y busy kasama ang iilan pang mga staff sa paglilinis ng mga kalat sa dalampasigan.
"Good morning! Mukhang marami-rami ho kayong lilinisin ngayon ah." Masigla niyang bati. Pansin niyang marami ang nagkalat na plastic cups at kung anu-ano pa sa dalampasigan. Dapat sana ay kung sino ang nag-organisa ng naturang party ang siyang maglinis noon.
"Oho, pero ayos lang dahil parte naman po ito ng trabaho namin tsaka kamag-anak ho ng may-ari nitong resort ang nagpa-beach party kagabi. Teka, gusto niyo po ba ng breakfast? Nagsi-serve po kami ng breakfast dito sa beach." Magalang nitong sinabi at tumigil sa ginagawa at nilinis ang kanyang kamay.
"Ay, ako nga po pala si Kol." Nilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga. Napansin ni Zayelee ang gaspang ng kamay nito. Siguro ay matagal na itong nagtatrabaho dito o di kaya'y may iba pa itong trabaho bukod dito.
"Nice to meet you po Manong Kol. I'm Zayelee. Breakfast sounds good! Nagugutom na rin po ako." Nakangiti niyang tugon sa matanda.
"Ano ho bang gusto ninyong breakfast Ma'am Zayelee?" tanong nito saka kinuha ang telepono sa kanyang bulsa.
"Eggs and bacon nalang po tsaka orange juice. Pakisamahan nalang po ng sliced fruits. Kahit anong prutas po is okay. Tsaka tawagin n'yo nalang po akong Zayelee."
"Sige ho Ma'am! Este, Zayelee. Tatawagan ko lang po ang kusina at ihahatid ko rito ang inyong order." Habang nasa telepono ang matanda ay tumingin siya sa paligid para maghanap ng mauupuan bago siya lumusong sa dagat. She better eat her breakfast bago siya lumangoy. Namataan niya ang palm tree sa di kalayuan na may mga mesa at upuan. Doon na lamang siya kakain mamaya.
"Zayelee, pini-prepare na po nila ang inyong breakfast. Mga 15 minutes ho siguro ang aantayin ninyo saka ako pupunta doon at ihahatid dito sa inyo."
"Ayos lang po and thank you! Doon na lang po ako sa may mga upuan sa ilalim ng palm tree." Tinuro niya kung nasaan ang naispatan niyang pwesto kanina ngunit nadismaya siya ng makitang may umuupo na roon.
"Ay Zayelee, mukhang may nakaupo na doon. Mukhang may inaantay pa. Pasensya na po at walang masyadong upuan. Kinuha po kasi ng ibang staff ang mga lamesa at upuan para malinisan ang parteng ito." Sabi nito saka lumingon-lingon sa paligid.
"Ayos lang po Manong. Doon na lang po ako sa may balcony." Turo niya sa di-kalayuang activity room sa kanyang kanan.
"O sige. Maganda rin iyang napili n'yo. Nakalimutan kong andyan pala yan. Bago lang ho kasi ako rito." Sabi nito saka nagpaalam para makabalik na sa ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/103240770-288-k896354.jpg)
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...