Hindi na nakabalik pa si Saige kanina sa resto kaya't napilitan nalang si Zayelee na sumama kila E.J, Ryder at Riordan. Kahina-hinala rin ang pagkawala ng kanyang kuya Blaise dahil ang paalam nito kanina ay sasagutin niya lang ang tawag. So, nasaan na nga ba silang dalawa? Hindi na rin nag-abala pa si Zayelee na tawagan ang kaibigan dahil baka gusto rin naman nitong mapag-isa. O baka naman gusto ng ibang kasama?
"Baka naman may little rendezvous 'yung dalawa?" tawang-tawa na sambit ni Riordan.
"Patay siya kay Terrence kung ganon. Loko 'tong si Blaise, iniwan dun sa Manila yung isa." Tugon naman ni Ryder at napailing-iling nalang.
"Pumayag naman si Terrence eh, that's all that matters. Besides, magka-sosyo sila sa negosyo." Sabi naman ni E.J. Totoo ngang magkasosyo sila sa negosyo ni Blaise. Nagkakilala ang dalawa sa iisang bar, first week palang noong naninirahan si Blaise sa Maynila. Blaise and Terrence found out that they share the same passion—alak at negosyo. Kaya't when the opportunity presented itself ay nagkasundo ang dalawang mag-umpisa ng negosyo at sa paglipas ng panahon ay nakapagpatayo sila ng bar at mas naging matibay ang kanilang pagkakaibigan.
"So, hindi na talaga 'yun sasama sa inyo kuya Jace? Di'ba may another week of vacation pa tayo? Kawawa naman 'yun." She asked them habang nag-umpisang hubarin ang kanyang tsinelas. Gusto niya kasing maramdaman ang mga mapipino at mainit-init na buhangin sa kanyang mga paa.
"Ha! Si Zayelee concern!" panunuya ni Riordan.
"Ikaw kung anu-ano pinag-iisip mo. Syempre ka-M.U ng best friend niya si Terrence." Nginitian naman ng dalaga si Ryder bilang pasasalamat sa pagtanggol sa kanya. Tama ito, gusto niyang magsama rin si Saige at ang the infamous Terrence kahit na hindi niya pa ito lubusang nakikilala. Gusto niya rin kasing ma-meet at masuri ito kung talagang siya si 'Mr Right'.
"Yeah that's it." She agreed. She looked at Pierce na tahimik, as usual, at mukhang nakikinig lang sa usapan nila. Isa pa rin talagang palaisipan sa dalaga kung bakit may mga taong kagaya ni Pierce. 'Yung tipong hindi natatakot na mapanis ang laway. Oo nga't mahiyain siya pero nakakapagsalita naman siya at nakakasali sa isang usapan kung alam niya eh. Pero bakit itong si Pierce ay wala pa ring imik hanggang ngayon? H'wag niyang sabihin na hindi niya alam ang pinag-uusapan nila dahil best friend niya naman ang mga ito at sila sila lang rin naman ang magkakasama sa Maynila? Bilang lang yata sa kanyang daliri ang beses na nagsasalita ito. Mukhang sanay na rin naman ang kanyang mga kuya at sila Riordan at Ryder sa kanya eh.
"Hindi ko alam baby sis eh. Silang dalawa na ni Blaise ang bahala sa negosyo nila. But if ever Terrence wants to join us, syempre welcome sya." Nakangiting tugon ni E.J sa kapatid. Sana lang ay pumayag itong si Blaise na ipamahala ang kanilang negosyo sa ibang tao for another week para makasama naman nila si Terrence. Kawawa naman yun, he needs to take a break. Sana nga lang ay nagawa niya na kung ano ang plano niya para mapansin siya ni Saige dahil kung dumating man si Terrence ay tiyak na hindi na sa kanya ang buong atensyon ng dalaga. He needs to do something para hindi siya basta-basta makakaligtaan ng dalaga. An impression can last a lifetime... he needs to make a remarkable one!
"Oh, ano na pala ang gagawin natin ngayon nito, E.J? Huling araw na natin bukas dito sa isla. We should do something fun! Baka kasi mawalan na yan sila ng gana bukas na gumawa ng kung ano kasi aalis na tayo eh." Tanong ni Ryder.
"O? Ba't parating ako? Tatay-tatayan niyo ba ko rito at ako lagi ang nagsisimula ng gagawin natin?" tanong naman ni E.J saka tumawa.
"Baliw! Ikaw kaya ang nagyaya samin dito! So technically ikaw ang host ng bakasyong 'to." Sabat naman ni Ryder. Patuloy pa rin silang tatlo sa kakalakad na mukhang walang patutunguhan. Nadaanan na rin nila ang lugar na pinagkainan nila Zayelee at Pierce ng breakfast. Napatingin doon si Zayelee at nakitang nakatingin rin doon si Pierce. Ano kaya ang iniisip nito?
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...