Chapter 8

7 2 0
                                    

"Are we all ready to go? You got everything in here?" tanong ni E.J sa magkakaibigan matapos nilang ilagay ang kani-kanilang mga bagahe sa likod ng dadalhin nilang sasakyan ni E.J—his beloved Range rover.

"Yes we are!!! Excited na kami!" masiglang sambit ni Saige.

"Hindi halata." Puna ng kakarating lang na si Blaise. Saige just rolled her eyes at him samantalang pumasok na sa loob si Zayelee.

"Where did you park your car? The garage's full." E.J asked Blaise bago tuluyang pumasok sa kaniyang sasakyan para magmaneho.

"I left it at Ri's place. Let's go." Tugon nito saka sumakay na rin sa loob.

"May kasama pa ba tayong iba? Na'san si Ri?" tanong ni Saige.

"Phew, hinahanap mo ang gagong 'yun?" nakakunot-noong tanong ni Blaise saka hinarap si Saige na nakaupo sa likuran ng sasakyan.

"Yeah, what's wrong with that? Di'ba best friend n'yong dalawa yun?"

"Nauna na 'yung bumyahe Saige. May dadaanan daw muna siya kaya hindi na siya sumabay sa'tin." Nakangiting tugon ni E.J saka nilakasan ang stereo ng sasakyan. "We better enjoy this ride guys, good vibes only."

Sa kabila ng kasungitan ni Blaise ay naging masaya naman ang kanilang byahe. They sang from the top of their lungs hanggang sa napagod ang dalawang babae at nakatulog.

"You better go easy on her, Blaise. We're gonna be altogether for 2 weeks. Alam kong nagseselos ka pero wag mo muna pairalin 'yan. Sino ba nandito at makakasama niya ngayon? Di'ba ikaw? You should enjoy it at tigil-tigilan mo ang pagiging bugnutin. Make your move bago ka tuluyang maunahan." Payo ni E.J sa kapatid. Alam niyang noon pa man ay nagpaparaya na ang kanyang kapatid. Maybe this time ay iisipin na nito ang sarili kesa sa parati niyang ginagawa. Walang mangyayari sa kanya at sa feelings niya kay Saige kung magmumukmok lang siya sa sulok, nagpaparaya.

Halos dalawang oras na ring nagmamaneho si E.J kaya tumigil sila sa kanilang unang nakita na petrol station, nagtanong ng direksyon at kung saan ang pinakamalapit na fast-food restraurant para makakain silang lahat bago nila ipagpatuloy ang kanilang byahe.

"Hey girls, kumain muna tayo bago natin ipagpatuloy ang byahe." Naramdaman na rin ni Zayelee at Saige ang gutom kaya bumaba na rin sila sa sasakyan. They had lunch at the nearest KFC saka nagpatuloy sa byahe.

"Nga pala, we're going to stay at an inn tonight. It's another 4 hrs drive papunta sa location natin bukas kaya we better have an early night. We're leaving tomorrow at 8 in the morning." Blaise announced habang naggo-grocery sila para sa kakainin nila bukas papunta sa kanilang secret location.

Nakarating rin ng maayos ang apat sa kanilang tutuluyang inn. Zayelee and Saige decided to share their room habang si E.J at Blaise naman ay magkaiba ng kwarto. They also had dinner sa katabi nitong restaurant bago sila naghiwalay at nagpahinga.

"Hmm... I'm so tired. How much more pa kaya ang kuya mo?" sabi ni Saige habang humiga sa kabilang kama.

"Sinong kuya?" nakangiting tanong ni Zayelee sa kaibigan. She likes to tease her best friend lalung-lalo na pagdating sa kanyang kuya. Saige rolled her eyes at her. "You know which one. Napakabugnutin talaga niyan ng kuya mo no? I was just offering earlier na ako na ang magbabayad ng rooms natin kasi wala naman akong contribution sa trip na 'to and then he snapped at me saying 'I can pay for it Saige. Don't make me feel like I can't.' like, what the fvck! I was just OFFERING!" reklamo niya sa kaibigan. Saige tend to swear kapag naii-stress siya and clearly, she is.

"Sorry about him Saige. Ganyan talaga 'yan. Masanay ka na." mahinahong tugon ni Zayelee sa kaibigan.

"I don't fuvking get him Lé. I really don't!"

"You will eventually. Goodnight!" Zayelee laughed and before she can even realise it, Saige hit her by a pillow. 

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon