Chapter 35

2 1 0
                                        

Matapos mag-ayos ang dalawa ay bumaba na sila at dumiretso sa pool area. Hanggang ngayo'y wala pa ring nagbago sa set-up ng mga lalaki. They're still engrossed with whatever they were doing earlier, saka panaka-nakang nag-uusap at nagtatawanan.

"Hey kuya." Zayelee greeted her brother.

"Hey baby, hey Saige." E.J stood up to give his sister a hug as well as Saige. Pansin naman ni Saige ang pagiging sweet ni E.J sa kapatid. Ang laki ng pinagbago ng mga ito sa paraan ng pagtrato nila sa kapatid nila. Yes, they were sweet to her before but she can feel that they're extra caring, vocal and loving to her now. And she can't be anymore happier for her best friend!

"May gusto ba kayong ipabili sa'min?" Saige asked everyone na ngayon ay tumigil na sa kung ano ma'ng ginagawa nila. Nakatingin na sa kanya ngayon si Blaise na parang ang laki ng problema nito sakanya. She wonders kung ano na naman ang nagpainit sa ulo nito?

"San ba kayo pupunta?" tanong ni Riordan saka nag-unat. Napagod yata sa kakaupo.

"McDonalds."

"I'd love an upsized chips, burger and coke please." Nakangiting sabi ng binata.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo Ri?" Ryder butted in samantalang humugot si Saige ng kanyang cellphone para ilista ang gustong ipabili ng mga lalaki.

"Wala naman. How nice it is na may runners tayo." He replied. Saige run up to him saka siya kinonyatan.

"Aray! 'Wag mo naman akong sabunutan Saige!" pagmamakaawa ni Riordan sa dalaga dahil panay ang pagsabunot nito sakanya.

"Don't mess with her Ri. Kakagising lang niyan." Zayelee said saka naupo sa upuan ng kuya niya.

"I should've known!" Riordan replied remembering the time noong pumasok siya sa kwarto ng mga dalaga at sinungitan lamang siya ni Saige the whole time dahil kakagising lang nito noon.

"Bagay nga sayo." Blaise commented under his breath na narinig naman ni Saige.

"What would you like?" Saige asked him after punishing Riordan.

"Just upsized chips and coke please." He replied without looking at her saka umalis. Napakunot noo nalang si Saige saka tumingin kay Zayelee for an answer pero nagkibit balikat lang ito. Hindi na pinatapos ni Saige ang pagkuha ng orders ng mga lalaki dahil gustong-gusto niyang kausapin si Blaise to give him her piece of mind. For some reason, she feels like siya na naman ang dahilan kung bakit mukhang galit ito.

"Man oh man. Para talaga silang mag-asawa kung umakto." Natatawang sabi ni Riordan saka umiling-iling.

Zayelee felt like she needs to do what Saige did kaya nag-umpisa na siyang tanungin ang iba pa.

"What would you like kuya?" she asked saka binuksan ang kanyang cellphone para maglista ng hindi niya makalimutan ito mamaya.

"Whatever Ri's having baby. Haven't been to McDo for a long time so 'di ko na maalala ang menu nila."

"Pwede naman kami pumunta sa Chinese restaurant kuya eh." Alok ng dalaga dahil alam niyang mahilig ito sa Chinese food. Doon kasi siya nito dinadala kapag gumagala silang dalawa. Magsawa na ang lahat sa Chinese food, except for her brother.

"You sure? You can grab me anything then. You know I like Chinese food."

"Ryder?"

"I'd like a small box of siomai please Zaye." He asked saka ngumiti sa dalaga. He studied her as she types in her phone at pansin niyang she still looks gloomy but a little bit better than before. Panigurado siyang nagmumokmok ang dalaga tuwing siya'y mag-isa. They've only met for a week now but he hates to think na someone as lovely and friendly as her ay nagdudurusa sa isang lalaki. But he knows that she'll get over him in no time.

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon