"Hi again, Lé!" masiglang bati ni Saige na kakagaling lang sa banyo. Mabuti na lamang ay nakatalikod siya sa kaibigan kaya't hindi nito napansin ang kanyang nakasimangot na mukha.
"Hi Saige! Oh, ano na'ng balita? Ang tagal mong nawala ah?" sinubukan niyang pasiglahin ang kanyang boses para hindi siya nito mahalata. Buti naman at hindi siya pumiyok!
"Ahm, Terrence and I talked, Lè." Nakangiti niya tugon habang naghahanap ng maisusuot mula sa kanyang maleta.
"Yun lang?! Tsaka yan lang ba talaga ang nginingiti mo? Ganon kayo katagal nag-usap?" usisa niya sa kaibigan. Umayos siya ng pagkakaupo sa kanyang kama, hudyat na seryoso siya sa kanilang pinag-uusapan.
"Hmm... he said na susubukan niyang sumama sa ating holiday! You know, pagkatapos ng stay natin dito sa isla. Panigurado naman akong alam niya kung saan tayo pupunta after e, diba?"
"Talaga? Wow! That's good! pero sino pala ang magma-manage ng bar nila ni Kuya?"
"I don't know. He didn't tell me. Tsaka susubukan nga lang daw eh. But still! There's a chance!"
"Saige, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" sa pagtanong niya nito'y natigilan si Saige saka siya hinarap, bitbit ang kanyang susuotin. May napapansin kasi siyang kakaiba sa kinikilos ngayon ng kaniyang kaibigan. Ano kaya ang tinatago nito?
"Wala naman. Bakit?"
"I don't know. I just have the feeling. Kasama mo ba si kuya Blaise kanina?" Pakiramdam niya'y nagiging annoying siya sa mga tinatanong niya ngunit ginawa niya pa rin. Magkaibigan naman sila eh. She's allowed to.
"Okay Lè, you win! Bago kami magka-usap ni Terr, nakita ko si Blaise. Actually, lumapit siya sakin. Baliw talaga 'yang kuya mo buti nalang hindi ka nagmana dun! Paiba-iba ang takbo ng isip! Nakakaloka!" Sinapo ni Saige ang kanyang noo at napaupo sa kanyang kama at hinarap ang kaibigan.
"Talaga! Dali, anong ginawa niya sayo?"
"Nag-food trip kami! Akalain mo 'yun, iyon talaga ang ginamit niya para makasama daw ako!"
"Whaaaat?! Eh, di'ba kaka-lunch lang natin 'nun?"
"Nag-desserts lang naman kami! Nagpahanda daw siya sa one of the staffs ng hotel kaya dun kami sa may dalampasigan kumain."
"Wow naman! Hindi ko alam na may romantic bones pala si kuya." Saige rolled her eyes sa sinabi ni Zayelee. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla nalang naging kakaiba ang pakikitungo sa kanya ng binata kahit pa alam nitong kinikita niya ang kanyang best friend. Iyan tuloy, umpisa na siyang naguguluhan sa mga bagay-bagay. Anong "bagay-bagay" ba yang tinutukoy mo Saige? Like, your feelings? Inaamin niyang romantic nga ang ginawa ng binata ngunit wala siya sa lugar para lagyan ng meaning ang isang simpleng bagay. Mahirap na at baka sa huli ay walang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya.
"Ang kuya mo? Romantic? Eh dati lagi akong inii-snob 'nun!" Naalala niya tuloy ang mga panahon na nahihirapan siyang makisama sa mga kapatid ni Zayelee. She got along well with E.J eventually ngunit nahirapan naman siyang makitungo kay Blaise. Kung si E.J ay madaling kausap, si Blaise naman ay paiba-iba ng mood. Napagkamalan nga niyang may bipolar iyon at sa kasamaang palad ay narinig siya ng binata noong sinabi niya ito kay Zayelee. Hinala niya ay doon nagsimula ang matinding pagkainis sa kanya ng binata. At ngayon, bigla nalang itong naging maayos ang pakikitungo sa kanya?
"NOON 'yun Saige. Things change. Tsaka, kaninong kasalanan ba 'yun?"
"Tse! Ewan ko sainyong magkakapatid."
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...