Sa huli ay naipanalo ng grupo nila E.J, Riordan at Ryder ang kanilang laro. Sobra-sobra ang ngiti ni Riordan dahil sa wakas ay nanalo ito sa isa sa mga pustahan nila.
"Yes! That's what I'm talking about, baby!" tumalon-talon sa tuwa ang binata saka nagsasasayaw. Maging si Zayelee na nakaupo ay hinila niya para makasayawan. Zayelee didn't want to do it ngunit ayaw niya namang basagin ang kasiyahan nito kaya't sinabayan niya na ang binata.
"Ang babaw mo Ri!" Ryder shouted habang nagpapahinga sa tabi ni Saige.
"Oo nga! Balita ko kinansela na ni E.J ang pustahan?" singit ni Blaise.
"Anong kinansela? Uupakan kita, E.J!" tumawa na lamang silang lahat dahil sa seryosong mukha ni Riordan.
Inikot-ikot ni Riordan si Zayelee na umani ng palakpakan sa kanilang mga kasama. Hindi niya alam kung paano sumayaw but it didn't matter anyway dahil parang kiti-kiti naman kung sumayaw si Riordan.
"Whoo! That wasn't so bad, was it Zaye?" natatawang tanong ni Riordan.
Zayelee was still laughing at iniling-iling nalang ang kanyang ulo. She can't believe she just did something she thought she wouldn't do before.
"Para ka kasing kiti-kiti kung sumayaw Ri." Tumatawang sabi ni Pierce.
"At least kami, nanalo." Zayelee noticed that Pierce rolled his eyes at Riordan. Hindi niya maisisisi ito dahil talagang nagmamayabang itong si Riordan kanina pa.
"Hayaan niyo na si Riordan, minsan lang 'yan manalo eh." Biro ni Ryder.
"O Zaye, gusto mo pa?" nakangiting alok ni Riordan. Narito silang muli sa restaurant na kinainan nila kaninang tanghali. Napagkasunduan kasi nilang lahat na kumain ng bbq dahil matagal-tagal na rin silang hindi nakatikim nito.
"Ah, sige. Kukuha nalang ako pagkatapos ko dito." Ipinakita niya sa binata ang kalahati ng isaw na kinakain niya. Napatingin siya sa dako ng kanyang dalawang kuya na pinipilit si Pierce na kumain ng Betamax. Napangiwi nalang ang dalaga dahil maging siya'y hindi maatim na kumain ng Betamax. Marami, pati na ang kanyang mga kuya, ang nagsasabing masarap ito pero hindi niya kayang paniwalaan ang mga ito. Iyon na siguro ang pinaka-inaayawan niya sa mga streetfoods na natikman niya.
"Don't be such a pussy, Esquivel!" sigaw ni Riordan na katabi ni Zayelee. Tumatawa pa rin hanggang ngayon ang kanyang mga kapatid maging si Ryder at Saige dahil sa ginawa nila. Pinagkaisahan kasi nila ang binata at itinali sa upuan maging ang kanyang mga kamay para hindi ito makatanggi sa alok nila. Nakita niya namang pilit na ginagalaw ni Pierce ang kanyang ulo para hindi makain ang Betamax ngunit hinawakan ni Ryder ang kanyang ulo para makapirmi ito sa kinauupuan habang si Blaise naman ang siyang sumusubo sa kanya. Naaawa naman si Zayelee sa binata dahil alam niya ang pakiramdam ng makakain ng isang bagay na hinding-hindi mo gusto.
"Go Pierce! Kaya 'yan!" napasigaw bigla si Zayelee na siya namang ikinagulat ng kanilang mga kasama ngunit pinagpatuloy ng mga ito ang kanilang ginagawa sa binata. Hindi niya naman makita kung ano ang reaksyon ni Pierce sa sinabi niya dahil nakatalikod ang inuupuan nito sa kanila. Napakagat naman ng labi ang dalaga. Sana ay hindi niya nalang sinabi iyon! Nakakahiya.
"Wohoo!!" hindi namalayan ni Zayelee na tapos na pala ang kanilang challenge sa binata. Nagpalakpakan ang mga ito at naghihiyawan ng makatayo si Pierce sa kinauupuan.
"Nice one, Esquivel!" sigaw naman ni Saige na natatawa. Napatingin si Zayelee sa binata at napansing tumatakbo ito papunta sa malapit na puno ng niyog. Mukhang susuka yata ito!
Narinig niyang sumusuka nga ito at hawak hawak ang pa ang tiyan.
"O Zaye, san ka pupunta?" nakangiting tanong ni Riordan. Mukhang napansin nitong aalis siya sa tabi nito.
"Kuha lang ng tubig para kay Pierce. Kawawa naman." Napatingin si Riordan sa dako ng kaibigan at tumango nalang siya sa dalaga.
"He'll be fine, baby." Sabi ni E.J sa kapatid.
"I know Kuya." She simply said saka kumuha ng isang mineral water at pumunta sa dako ni Pierce.
"Here." Nilingon siya ng binata saka ibinigay niya ang dalang tubig. Mukhang lasing itong tignan dahil sa mamula-mulang ilong at mga mata nito.
"Thanks." Malamyang tugon ng binata saka tinanggap ang tubig.
"You look like shit." She commented. Natawa naman ng mahina ang binata pagkatapos nitong uminom.
"Yeah, thanks for pointing it out."
"No worries. Ok ka lang ba?"
"Yeah I'm fine now. Thanks for the water again by the way."
"Walang anuman." She replied with a small smile. Ngayong naalala niya ang ginawa niya kanina ay hindi niya makuhang tumingin dito.
"Thanks for cheering for me too." Nabigla siya sa sinabi ng binata. Akala niya ay hindi nito papansinin ang katangahang ginawa niya kanina. "I needed it."
"Oh, did you?" nakakunot noo niyang tanong. Nakatingin ang binata sa kanya ngayon ngunit hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Ang galing talaga nitong mag-poker face! Sana ako rin.
"Of course. Halos magwala na nga ako 'dun kanina. Ugh, I hate Betamax." Pierce groaned. Napangiti naman siya sa sinabi ng binata. Mabuti nalang ay nakaka-relate siya rito. Kung hindi ay naisip niya ng maarte ito. Baka nga siguro ay iyon ang iniisip ng kanyang mga kuya.
"Don't worry. You're not the only one. I hate betamax too." Bigla niya nalang naisip 'nung unang pagkakataon na kumain sila ni Kean ng streetfoods. Pinilit kasi siya ng binata na kumain nito kahit alam nitong ayaw niya sa betamax. Naiintindihan niyang gusto lang naman ni Kean na subukan niya iyong muli pero ilang beses pa ba siya tatanggi bago nito maintindihang seryoso siya?
"You do?" tanong ng binata. Napansin naman ng dalaga ang gulat sa boses ng nito.
"Yup. I think that's the only Filipino streetfood I can't take." She replied with a scrunched-up nose. Just thinking of it makes her want to puke. Mabuti nalang ay hindi siya pinilit ng kanyang mga kuya. At oo, siya na ang maarte.
"Well then, I'm glad I'm not the only one." Nakangiting tugon ng binata saka sila naglakad pabalik sa kanilang pwesto.
"You right man?" nakangising tanong ni E.J sa kaibigan bago nito tinapik ang balikat.
"Yeah I suppose." Pierce replied bago niya inirapan ang kaibigan.
"Aww, baby Pierce is no longer Betamax virgin." Pabebe namang sabi ni Ryder na umani naman ng tawanan sa kanilang grupo.
"You know Esquivel, that's part of being one of us! You gotta love exotic stuff. Exotic girls, exotic foods... you know, the likes." Nakangiti namang sabi ni Riordan sa kaibigan habang inabutan ng beers ang mga kasama. "Cocktails for our girls."
"And of course, our girls aren't listening to you Ri." Sambit ni Blaise saka nakipag-cheers sa kanilang lahat. Nagtinginan nalang ang magkaibigang si Saige at Zayelee dahil pareho nilang alam na mahilig rin silang mang-check out ng mga lalaki. Pero hindi naman siguro kasing grabe kagaya sa magkakaibigan na mga 'to.
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...