"Are you eating here with me? Hindi naman kita inimbita ah?" gulat na tanong ni Zayelee. Nagtataka siya kung bakit narito ito ngayon gayong napakalaki naman ng isla at maraming pwedeng kainan. Surely tapos na ang mga staff sa paglilinis at naibalik na ang mga lamesa at upuan.
Napakurap ito sa sinabi ni Zayelee. "I'm inviting myself. And besides, the view up here is much better." Lumingon ito sa direksyon ng dalampasigan. Nang matamaan nitong hindi uupo si Zayelee sa iminwestra niyang upuan ay siya na ang umupo doon. Zayelee sighed and left with no choice but to sit and eat in front of him.
Walang ibang ingay na maririnig sa pagitan nila kundi ang tunog ng mga kubyertos at ang hampas ng mga alon. Zayelee can't help but feel guilty sa inakto niya kani-kanina lang. Bakit naman at maayos ang pakikitungo niya pagdating kay Ryder at Riordan ngunit pagdating kay Pierce ay hindi niya mapigilang maghinala sa mga ikinikilos nito?
"What you did earlier was amazing." Pierce finally broke the silence. Napatigil si Zayelee sa pagkain at tumingin sa binata. Sincerity is evident in his eyes.
"Thank you. But it would've been great if no one saw me doing it." Tugon niya rito. This time, she didn't look away. Mataman niyang tiningnan pabalik si Pierce. She felt her heart skip a beat but she doesn't know why. Maybe it's because of the intensity she feels when Pierce looks at her that way. Does he look at everyone like that?
"It was hard not to watch you doing it. You are talented." Prangka nitong tugon saka muling kumain ng pancakes.
"I'll keep it in mind not to do it once again in public." She pursed her lips after she said this. Hindi rin nagtagal ng matapos sila sa pag kain ng kanilang agahan.
"Thanks for paying for this but you didn't have to." Sabi ni Zayelee sa binata at binigyan ito ng tipid na ngiti.
"It's okay. Bayad ko na rin sa nangyari kahapon" tugon nito ng hindi nakatingin sa dalaga. Nagliligpit ito ng kanilang pinagkainan at tumulong na rin si Zayelee. Kapansin-pansin ang mga matitipunong braso nito kahit pa na nakasuot siya ng button down shirt, habang binubuhat ang mga plato.
"Ako na ang magdadala nito pabalik kay Manong Kol. You do whatever you want to do. Thanks for having your breakfast with me." Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata.
"Uh, I'll just go for a swim. See ya!" tipid niyang tugon sa binata at saka umalis.
Labinlimang minuto nalang bago mag alas-syete kaya napag-isip isip ni Zayelee na lumangoy na. Tiyak na makakatulong ito sa kanyang mga stress na pinagdadaanan. Mabuti na lamang, na kahit maaga pa ay hindi kalamigan ang tubig. Biglang napatingin si Zayelee sa kanyang kaliwa ng may marinig siyang sigawan. May mga magbabarkada siyang nakikita at mukhang lasing pa ang dalawa sa mga ito. Tatlo naman sa kanila ang umaalalay sa isang lasing na ngayo'y mukhang gustong lumangoy sa ilalim na parte ng dagat at ang isa nama'y natutulog sa dalampasigan. Nagtatawanan pa ang mga ito sa kabila ng nangyayari. Nawala ang pangamba ng dalaga ng may makitang paparating na lifeguard para tulungan ang mga ito na pigilan ang isa nilang kasama na lumangoy kasi baka malunod ito. She's jealous of what they have. That kind of friendship takes quite a lot of time to build and a great amount of loyalty to seal it. She always wondered what it feels like to belong in a group kasi never siyang nagka-'barkada'. Ang tanging kaibigan niya lang ay si Saige na nadagdagan na ngayon ni Riordan at Ryder, thanks to her brothers. She always kept things to herself dahil minsan na siyang naging sentro ng katatawanan noong pagsapit niya ng grade 1 sa kanilang paaralan hanggang sa magtapos siya ng grade 6. She wonders why people have the need to discriminate other people just because of their physical appearances and just because of being who they are. Bakit parating may standard na kailangang ma-meet to satisfy them? Bullies need to know that bullying doesn't do anyone good. Maybe for them, but, how long is it going to last before the guilt creeps in? Or, do they even feel guilty after doing so? Hanggang ngayon ay may parte siyang sinisisi ang mga taong iyon kung bakit siya ganito. Kung bakit mailap siya pagdating sa ibang tao. Kakaunti na nga lang ang kanyang pinagkakatiwalaan, nakuha pa ng isa sa mga ito ang saktan siya ng talikuran. She guessed that maybe being stabbed in the back doesn't quite hurt as much than doing it in front of your face.
Mga labindalawang minuto na ring nanatili si Zayelee sa dagat kaya't umahon na siya para makapagpahinga. Balak pa sana niyang tumagal ngunit kailangan na niyang gisingin ang kanyang kaibigan para pagplanuhan ang pwede nilang gawin ngayong araw. Huling araw na rin kasi nilang lahat ngayon rito sa isla kaya balak nilang tuklasin ang natitirang lugar na hindi pa nila napupuntahan. Kinabukasan naman ay pupunta sila sa kabilang isla for 2 days.
"Hey Zaye!" tawag sa di-kalayuan ni Riordan sa dalaga. Nakangiti ito at kumakaway pa sa kanya. Kagaya sa isa nitong kaibigan ay mukhang gumugugol ito ng oras sa gym para magpalaki ng katawan. Siguro'y isa sa mga dahilan kung bakit nagkamabutihan ang mga ito'y dahil sa common interest nila ng paggi-gym. Aminin man niya o hindi ay talagang lapitin ng mga babae ang kanyang mga kuya at ang kanilang mga kaibigan. She and Saige sometimes had to exchange looks dahil sa inis nila sa mga babaeng binibigyan sila ng dirty looks dahil kasama nila ang mga lalaking pinaglalawayan nila. Can they be more cliché?
"Oh, hi Riordan! What's up?" she asked and started drying herself habang umupo naman si Riordan sa upuan na pinaglagyan niya ng kanyang mga gamit.
"Apparently, we've been looking for you at dito ka lang naman pala mahahanap. They've been calling you too. I bet your phone's got a thousand calls by now."
" 'We?' Ba't nyo ko hinahanap? Ang aga pa ah. I already had breakfast. Can't join you guys. I have to get back to our cottage." She replied saka nagsuot ng kanyang see-through dress.
"You'll find out when we get there." Tumayo na ito para pumunta sa kanilang location. "Give me your stuff."
Zayelee opened her bag and realised Riordan's right. Puno nga ng missed calls ang kanyang cellphone. "No, kaya ko naman. Let's go?" she replied and left with Riordan.
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomansWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...
