"Akin na muna 'yang regalo ko Kuya! Tas hati tayo ng breakfast ko."
"Wow, you have a gift for her? Ano'ng okasyon?" pang-aasar ni E.J kay Blaise.
"Tigil-tigilan n'yo nga kong dalawa. Masama na bang maging generous sa baby sis ko?" sabi nito na may halong drama sa tono ng boses niya at lumapit kay Zayelee at ginulo ang kanyang buhok—bagay na nakagawian ng gawin ng kanyang mga nakakatandang kapatid.
Tinawagan ni E.J ang kapatid na si Blaise kagabi para ipaalam rito na lumalala na ang sitwasyon ng kanilang ina at ang kanyang suspetsya na may itinatagong problema ang kanilang nakababatang kapatid bukod sa problema niya sa kanilang ina. He convinced him to take a break from his bar—Blaise's Way, a popular bar located in the middle of Eastwood City. Hirap man siyang iwanan ang kaniyang negosyo'y pinilit niya ang isa sa kaniyang mga barkada na i-manage muna ito para sa kanya habang wala siya. Luckily ay pumayag naman ito sa kabila ng kagustuhan rin ng isa na sumama sa kanya. Hindi niya alam kung ano pa'ng pumipigil sa kaniyang nakababatang kapatid na tumira sa kaniyang apartment gayong wala naman pala siyang kasama rito sa kanilang bahay. They were telling her years ago to move in with either of them pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin nito. She's so stubborn!
"You, on the other hand, better pack up. We're leaving tomorrow. It's a surprise!" E.J told Zayelee.
"Wow! I really am in for a surprise aren't I? Thank you mga Kuya! San tayo pupunta?" masiglang niyang tanong.
"Baliw! Kaya nga surprise e kasi hindi mo kelangan alamin. May surprise ba'ng alam mo?" sarkastikong tanong ni Blaise.
"Paki mo ba Kuya. Panira ka talaga. I just wanted to know where para makapag-ready ako. Kahit clue lang? Pwede ko bang isama si Saige?" she glared at Blaise and looked at E.J's direction.
"Sorry Zaye. Can't tell you anything but, you can take Saige with you only if she wants to. I mean, kakauwi niya lang hindi ba?"
"Bakit? San daw siya nagpunta?" biglang tanong ni Blaise na ngayo'y busy sa kakapindot sa kanyang cellphone.
"Eto talaga kahit kelan. Alam mo namang may gusto 'yung kaibigan natin dun. Magpaubaya ka na. Dami mong chicks eh." Hindi lihim sa kanilang magkakapatid na simula noong third year high school pa lamang sila Zayelee at Saige ay may gusto na si Blaise sa bestfriend ng kanyang kapatid. Nagsimulang maghinala si Zayelee noon sa mga ikinikilos ng kanyang kapatid tuwing nasa kanila si Saige. Sa huli ay napaamin nga niyang may gusto ito sa kanyang kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin desidido si Zayelee kung mapagkakatiwalaan ba niya ang kanyang nagi-isang bestfriend sa kanyang kuya na noon pa ma'y matinik na sa mga kababaihan. Tuwing gumagala silang dalawa noon sa mall ay tiyak na may isasama itong babae kung kaya't mas paborito niya si E.J pagdating sa galaan dahil hindi ito nagdadala ng kahit sino. He makes sure they spend quality time together. Pagdating naman kay Blaise ay pakiramdam niya'y nakiki-third wheel siya sa kanila ng kasama niya at minsan nama'y naiinis siya sa mga babae nito dahil ang tataray nila. Nagiging mabait lamang ang mga ito kapag nasa harapan nila ang kanyang kuya pero kapag wala na ay akala mo'y parang mga demonyita.
"Shut up, E.J. By the way, buksan mo na'yang regalo ko before I change my mind." Sabi niya kay Zayelee.
"Psh, don't you dare do anything to Saige kuya, ikaw ang mananagot sa'kin." Pagbabanta niya kay Blaise.
"F*ckin' hell. Why are we even talking about this? Will you two stop?" nairita nitong tugon.
"Uy Kuya E.J oh, si Kuya Blaise nagba-blush!!" panunukso niya sa isa na halatang naiinis na.
"Pansinin mo naman ako, pagkat walang hanggan ang alay ko sayo" Biglang kumanta si E.J para mas lalo pang tuksuhin ang kapatid. Nilapitan niya ito saka ihinilig ang ulo sa balikat ni Blaise at patuloy sa pagkanta. Zayelee is laughing in the background while Blaise is rolling his eyes.
"I give up with you two. You're ganging up on me and I think it's my cue to leave." Blaise stood up and playfully slapped E.J's arm. "Atleast I'm trying."
BINABASA MO ANG
Sad to Belong
RomanceWhen Zayelee Harris' father died, her world came crashing down. He was her confidant, her king and her best friend. She looked up to him more than anything else. She was feeling alone, lost and had no idea where to begin and pick up the pieces. Hind...