Chapter 20

6 2 0
                                    


"Hey you guys! San kayo pumunta?" tanong ni Ryder saka hinagkan ang magkaibigan. Naging habit na yata nilang lahat na pag nagkikita sila'y nagyayakapan sila or nagngingitian, just to acknowledge their presence.

"D'yan-dyan lang. Nanuod kami ng mga naglalaro ng volleyball." Nakangiting tugon ni Zayelee.

"Oh, okay. Do you two play volleyball?" tanong nito saka umupo sa ilalim ng puno ng niyog. Nagtipon-tipon sila rito dahil hinihintay pa nila ang iba nilang mga kasama.

"Konti lang pero magaling 'tong si Saige." she replied saka inayos ang kanyang suot na shades. Apparently, nasobrahan talaga ang pag-iyak niya kanina kaya mugto ang kanyang mga mata. Buti nalang ay mataas ang sikat ng araw kaya may dahilan siya kung bakit nagsuot siya ng shades.

"Oh really? Maybe we should play volleyball later. O, nandito na pala sila." He replied na nakatingin sa likuran nila Zayelee at Saige. Napalingon naman ang dalawang dalaga at nakitang nagtatawanan ang magbabarkada. Zayelee's glad na masaya ang kanyang mga kuya kasama ang mga lalaking 'to. Ang galing nilang pumili ng kaibigan!

"Hey Zaye!" sigaw ng patalon-talon na si Riordan. He ran to her saka niya ito niyakap. Nagulat naman si Zayelee sa ginawa ng binata ngunit hinagkan niya nalang ito pabalik.

"Hold your horses, Ri!" saway sa kanya ni Blaise na naiwan sa paglalakad.

"Woah, what was that for?" tanong ni Saige na nagulat rin sa ginawa ni Riordan.

"Wala, trip ko lang! Okay lang naman di'ba Zaye?" he replied at napatingin sa dalaga.

"Ah, O-o?" she replied at napatingin sa kakarating lang na si Pierce. Nakatingin ito sa kanya ng seryoso. What now?

"Hi baby sis!" lumapit si E.J sa kapatid saka niyakap ito. He's glad that she seems to fit in sa mga barkada niya although they still need watch their moves around her dahil talagang malilintikan sila.

"Hi kuya." Nakangiting tugon ni Zayelee.

"Hi Saige. Musta?" bigla namang pag-greet ni Blaise sa best friend ng kanyang kapatid. Napatingin naman si Zayelee at E.J sa kapatid nila na mukhang mas ini-enjoy ang kanilang bakasyon dahil narito si Saige.

"Uhm, ok lang. Parang di tayo nagkita kanina ah?" Saige sarcastically replied saka iniwan si Blaise. Pinigilan naman ni E.J at Zayelee ang kanilang tawanan para hindi sila marinig ni Blaise. Baka mapikon pa sa kanila eh.

"Tara, kain na tayo!" nakabusangot na yaya ni Blaise sa kanila. Napangiwi at napailing nalang si Pierce, Riordan at Ryder sa biglang pag-iba ng mood ni Blaise.

Nang naglalakad sa unahan sila Saige at ang kanyang mga kuya, naiwan naman si Zayelee at Ryder sa likuran. Nag-iingay silang lahat sa harapan ngunit si Pierce ay mukhang nakikinig lang.

"Nice cover up." Simpleng sabi ni Ryder, referring to her sunglasses. Napatingin si Zayelee sa binata dahil sa sinabi nito ngunit diretso itong nakatingin sa kanilang mga kasama na hanggang ngayon ay nagkukulitan na parang mga bata. Maging si Saige naman ay nagi-enjoy na rin. Nagkunot noo nalang si Zayelee at hindi na nagsalita pa.

"I'm assuming you still haven't told your story to your brothers."

"Hindi pa, Ry. I'm not ready. Baka pagkatapos na siguro ng bakasyon na 'to. Ewan ko." Pag-amin niya sa binata. Wala naman na siyang maitatago sa binatang 'to dahil simula't-sapol palang ay ito na ang unang nakaalam ng kanyang sekreto.

"Take your time. Maiintindihan ka naman nila. Kung ako sa lalaking 'yun, maghanda na siya ng napaka-valid na reason sa ginawa niya sa'yo. Because if I was your brother, I'll fvcking make him pay. Kahit gaano pa kaliit 'yang ginawa niya sayo. Sinaktan ka pa din niya. But, I'll leave it to them. Bibili nalang ako ng popcorn at manunuod sa kung anong mangyayari." Muntik ng ma-appreciate ni Zayelee ang sinabi ng binata kung hindi lang dahil sa biro nito. Hinampas niya ng mahina ang braso nito saka tumawa.

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon