Chapter 41

2 0 0
                                    

"Sorry about kuya. Saglit, naiwan ko yata ang phone ko sa loob ng sasakyan. Kunin ko lang para maibigay ko 'yung number sayo."

"No, it's alright. I don't have any plans tonight. You go and get some rest. I'll grab your phone."

"You sure? Ano namang gagawin mo rito sa bahay?"

"What about you? What are you going to do here?" he asked her back.

"I don't know. Magmukmok siguro. Manuod ng tv and then matulog. I'll also pack my things up for tomorrow. I won't wait for them dahil panigurado akong late na sila uuwi niyan."

"I know what's magmukmok Z.J and it's no good. Would you like to go for a drive? I have to use your car though if that's okay."

"Are you sure? You don't even know where to go." She replied with a little bit of chuckle para hindi ito ma-offend sa sinabi niya. She walked to their couch saka isinalampak ang katawan. Wala siyang pakialam kung hindi ladylike ang ginawa niya.

"Hm, maybe I know a place. I was here once when I visited Medina and, I have you as my guide. So, are you in or nah?" napatingin naman ang dalaga sakanya. Ayaw niya namang ma-disappoint ang binata tutal this is going to be his last night here. Pagkatapos ng kanilang bakasyon sa Batangas ay didiretso na silang lahat sa Maynila.

"Okay then. Give me 10 minutes."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mahigit isang oras rin ang ibinyahe ni Blaise papunta sa seaport. Nang makarating sila'y nagsilabasan ang kanyang mga kaibigan at nagsibayad na sa counter at kinuha ang kanilang mga sasakyan. Nag-usap na silang lahat na magkita-kita na lamang sila sa nag-iisang bar sa kanila. Medyo pagod na raw ang ilan sa kanila para magbar-hopping kaya't napagdesisyunan nalang nila na mag-stay sa iisang bar. Hindi nga niya alam kung makakaya niyang makita si Terrence at Saige mamaya eh. It also pained him to think na um-oo si Saige sa date nila ngayong gabi. Kung ako kaya nagyaya sa kanya, papayag ba siya ng ganun kadali?

"Hoy Blaise! Tara na!" sigaw ni Riordan na nakangiti sa loob ng sariling sasakyan niya. Tila hype ang isang 'to at handang-handa ng makipaglasingan mamaya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Can we go Arcade as well? 'Di na ko nakapunta dun for a long time eh. Okay lang? Nasa loob lang naman siya ng mall. You can go somewhere else if you like. Hatid mo lang ako sa labas ng mall." Zayelee requested to Pierce na ngayo'y nagmamaneho na. Mabuti na lamang at medyo malapit lang sila sa CBD ng kanilang lugar kung kaya't hindi niya na kailangan pang mag-alala na si Pierce ang nagda-drive imbes na siya. Hindi niya rin alam sa sarili kung bakit niya ito hinayaan gayong pinagbabawalan niya ang kanyang mga kuya noon na i-drive ang kanyang sasakyan. Siguro'y nagbago na nga talaga siya. Saka, medyo pagod na rin ang kanyang mga braso sa kaka-drive. Matagal na nga rin talaga siyang hindi nakapag-work out dahil ilang oras lang naman siyang nagmaneho ngayon at ramdam niya na ang pagod sa kanyang mga braso. Pakiramdam niya tuloy para na siyang matanda.

"I'll go with you. I haven't been there for a long time either."

"So, when did you visit Riordan?"

"I think it was the same day when Ry visited your place." Simpleng tugon ng binata. He can still clearly remember what unfolded that day ngunit hindi niya kayang sabihin ito sa dalaga ngayon. She'll surely hate him but he somewhat doesn't care. Masaya nga siya't natamaan niya 'yung binata eh. He deserves it. Ang hindi niya lang kayang gawin ay ang makita ang magiging reaksyon ng dalaga kung sasabihin niya rito ang nangyari. Tsaka, hindi ito ang tamang pagkakataon para umamin rito.

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon