Chapter 9

6 2 0
                                    

While they're on the road, Zayelee couldn't help herself but to think of Kean. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap sa kadahilanang hindi pa handa si Zayelee para harapin siya. What he did to her was cruel. Akala niya ay sincere ito sa lahat ng mga kinikilos at pinagsasabi nito noon sa kanya ngunit nabahiran na lahat ito ngayon ng pagtataka.

"Hey Lé, Blaise was asking you kung nagustuhan mo daw ba ang binigay niyang kwintas." Nabigla si Zayelee ng niyugyog siya ni Saige. Ito na naman siya, natutulala. She told herself last night na 'wag ipahalata sa kanilang may pinagdadaanan siya at ngayon ay nahuli siya nilang natutulala habang nakatingin sa bintana na akala mo'y para siyang nasa music video.

"Sorry, may uhm, naisip lang." palusot niya ngunit nahuli niyang nagkatinginan ang kaniyang mga kuya. She really hoped they're not suspecting anything. "Of course kuya! I like it so much!" she tried to sound 'happy' habang hinahawakan ang kaniyang suot na kwintas.

"Ako pa! I have a good taste with jewelleries." Pagmamayabang ni Blaise. Napabuntong-hininga na lang si Zayelee sa sinabi ng kanyang kuya. She's glad na hindi ito nagtanong kung ano'ng iniisip niya dahil wala siyang maidahilan kung sakali man.

"Yabang. Baka ninakaw mo 'to ha? Patay ka sa'kin." Pabiro niyang tugon. She'll just go with the flow para hindi siya mapag-suspetsahan. Kung sakali mang hindi sila kumbinsido sa kanyang mga ikinikilos, masaya siyang hindi siya pinipilit ng mga ito'ng sabihin niya sa kanila ang kanyang problema.

"Hoy, sa gwapo kong 'to, tingin mo sakin magnanakaw?"

"Malay ko ba, self-proclaimed."

"Hindi to self-proclaimed! Di'ba Pip?" tanong ni Blaise kay Saige.

Saige was taken aback by his question so she didn't know how to answer it lalung-lalo na at nakatingin silang lahat sa kanya. "Uhm, tse! Ewan ko sayo." Sekretong nagkatinginan si Zayelee at ang kanyang kuya E.J with a hidden smile on their faces. Halatang-halata sa mukha ni Saige na namumula siya dahil sa mestiza niyang kulay. When she's surprised, just look at her face and it'll answer what she truly feels.

"Anyway, have you messaged Ri that we're nearly there?" tanong ni E.J kay Blaise to break the silence.

Zayelee and Saige started opening their windows to see the view outside. Puno na ang paligid ng mga puno at sariwang-sariwa na ang hangin na kanilang nalalanghap. "Hmm... smell that fresh air! Lé! Malapit na daw tayo! Mukhang pupunta tayo sa beach!" Zayelee and Saige squealed in happiness. Ang huli nilang punta sa isang beach ay noong pagkatapos nila ng 3rd  year college kasama ang mga kaibigan ni Saige. Unfortunately, that trip didn't really end well dahil nag-away ang tatlo nilang kasama dahil sa iisang lalake. Diumano'y pinagsabay-sabay sila ng iisang lalaki na na-meet nila in the same place but different days. Hay, ang kapal ng mukha ng lalaking 'yun! Surely, he'll get his karma back. How can he do that to them? Di'ba yan rin ang gusto mong itanong kay Kean? Zayelee's mind interrupted.

"Yes I have. Imi-meet nalang daw niya tayo dun sa sasakyan nating bangka." He replied.

"Yooooo!" sigaw ni Riordan sakanila habang pababa ng sasakyan. They have successfully arrived at the location: El Nido Palawan. One of the most beautiful places on earth. Parehong masaya ang magkaibigan na babae sa paligid na nasasaksihan nila.

"Hey bro." Blaise replied while giving each other a 'man hug' at ganon rin ang ginawa ni E.J.

"Hi girls!" Riordan excitedly greeted them and gave them a friendly hug. Tila mas excited pa si Riordan sa kanilang lahat dahil sa laki ng ngiti nito sa mukha.

"Naku Riordan, tigil-tigilan mo nga kakangiti mo nagmumukha kang manyakis eh." Puna ni Blaise saka nagtawanan ang magkaibigan.

"Where are we heading exactly?" Saige said while looking around.

"Hmm... Pip, we're heading to Apulit Island and we'll stay there for three days." Blaise proudly said habang inaakbayan si Saige.

"Ewww. Kadiri!" Riordan jokingly said, referring to Blaise's move.

"It sounds good! It should be fun." Saige replied saka tinanggal ang braso ni Blaise sa kanyang balikat at tumabi kay Zayelee.

"Yes, Saige. It'll be fun." Blaise replied bago sila nag-umpisang ilagay ang kanilang mga bagahe sa Bangka na kanilang sasakyan papunta sa isla. They were warmly welcomed by the staff and were given garlands just like a real tourist. Napapanuod lang ito ni Zayelee dati sa TV at ngayon, she's experiencing it!

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon