Chapter 28

4 1 0
                                    




Magkasama ng naglalakad ngayon ang magkaibigang si Zayelee at Saige. Kakatapos lang ng kanilang bbq kaya't nagpaalam na sila sa mga lalaki. Pagod na rin kasi sila sa naganap na laro kanina.

"Feel na feel niyo na talagang dalawa ni Esquivel ang maging magkaibigan huh?" mapanuyang sabi ni Saige sa kaibigan.

"Since when did you start calling him by his last name? tsaka, ano ba'ng ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong ni Zayelee.

"Ginagaya ko lang sila Riordan. Parang kasing ang weird na tawagin siya sa first name niya. Wag ka nga mag-maang maangan diyan! You're doing great nga eh. Nakukuha mo ng makihalubilo sa ibang tao bukod samin ng mga kuya mo." Tugon ni Saige saka umpisang tumawa.

"Ewan ko sayo. Hindi lang naman ako sakanya nakikipag-usap ah? Pati kila Riordan at Ryder din naman. Dapat pala, dati ko pa ginawa 'to. Kung hindi pa 'ko... nasaktan ng lalaking 'yun hindi pa ko nagkusang magkaroon ng iba pang mga kaibigan bukod sa'yo." Masarap pala sa pakiramdam ang makipag-kaibigan... 'Yung hindi pwersahan, 'yung hindi madalian kundi iyong tipo na kahit hindi gaano karami ang beses na nakakapag-usap kayo pero alam mong willing silang maging parte ng social life mo. At ramdam niya iyon sa mga kaibigan ng mga kuya niya. Alam niyang ilang araw palang silang magkakakilala, may mga pagkakataon pa na may natatarayan siya kahit hindi niya naman sinasadya, pero parang pagkatapos ng ilang oras, wala na sa kanila iyon. Napagbigyan ka na nila. Clean slate ulit. At iyon ang nagugustuhan ni Zayelee sa kanila.

"Okay lang 'yan, ano ka ba. You're making up for it naman ngayon. Make the most of it na, Lé. Tsaka, have fun! As much as you can, h'wag mong alalahanin ang lalaking 'yun. Kasi, honestly, pakiramdam ko you're holding yourself back from being happy. Alam kong takot ka and I totally understand but, don't forget to trust a little too. They're good people Lé, I can feel it and I know you do too."

"I'm trying Saige. Hindi talaga ganyan kadali. Anyway, alam na ba nila kuya ang plano ng Terrence mo?" Napansin naman ni Zayelee ang pagtingin ng kanyang kaibigan sa ibang direksyon ng banggitin niya ang pangalan ng kaibigan ng kanyang mga kuya, na siya namang ka- M.U ni Saige. Nagtataka siya kung bakit ganito ito kung umasta. Nahihiya pa rin ba siya sa kanila ni Terrence?

"Baka? Hindi ko alam, Lé. Kakausapin pa raw niya ang kuya mo tsaka, hindi pa kami nagkakausap. Baka mamayang gabi o bukas pa."

"Ahh... sana pumayag si kuya Blaise. Mukha namang gusto rin ni Kuya Jace na sumama 'yung Terrence sa'tin eh."

"Sana nga. I haven't seen him for awhile. I miss him so much." Tugon ni Saige.

"But you have a chance to be with him, Saige. You can accept your Dad's invitation then you'll see each other there most of the time na! O, diba?" suhestiyon naman ni Zayelee. Kahit siya'y ayaw niyang umalis ang kanyang kaibigan ngunit kailangan siya ng kanyang ama doon.

"What about you? Edi ikaw na naman ang hindi ko makikita araw-araw? No way! Masaya naman ako dito e and, I believe naman na distance makes a relationship stronger."

"That goes for the both of us too! Think about it."

"Aha! Alam ko na! Hindi ba pinipilit ka rin ng mga kuya mo na manirahan sa kanila? Seems like I'm not the only one who needs to do some thinking... Kung papayag ka sa mga kuya mo then papayag din ako sa Dad ko! Then, we can literally live next to each other o di kaya ay bumili tayo ng apartment together! Our dreams will finally come true! What's your say, huh?" nakangiting suhestiyon ni Saige. Parang bigla ay hindi naging problema sa kanya ang imbitasyon ng kanyang ama na halos isang buwan niyang pinagkaka-problemahan noon. Noong pagtungtong kasi nilang dalawa ng college ay nag-umpisa silang mag-plano ng kung anong gagawin nila pagkatapos nila ng kolehiyo. Si Saige ang may pakana noon dahil para raw ay may goals silang pagkaka-focusan. They came up with a lot of ideas at isa na roon ay ang manirahan sa iisang apartment. Ngayong may tsansa na sila ay nahihirapan si Zayelee na tanggihan ito. Ngunit hindi niya rin kayang iwanan ang kanyang ina na mentally and emotionally unstable sa kanilang bahay ng mag-isa.

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon