Chapter 3 - Voice

202 13 10
                                    




"Hey can you still able to drink? I think you're a bit tipsy now.." I can sense his concern nasa bar na kasi kami nila Franco, cindy, breanna at Mike. Medyo napaparami na nga ang inom ko but i can still know what im doing kaya okay pa ako.

Tumango ako.

"Okay, i will watch your moves. Don't do anything wrong."

Ngumisi ako. "Fine."

"And behave." Sabay turo sa inuupuan ko. Tumango ulit ako. Nakatitig nalang ako sa baso ng alak na iniinom ko.

Nakailang ganito na ako.. Pero ang hirap talagang kalimutan niya. Sabagay, kahit kailan hindi naman alak ang sagot. Makakalimot ka nga, panandalian lang dahil kinabukasan. Andyan parin yun sakit.

Tumunog ang Cellphone niya. Akala ko pa nga sakin dahil same ring tone kami. He excuse himself. Tumango lang ako habang nakangisi.

Agad lumapit sakin si Breanna. Si Mike at Cindy kasi nasa Dancefloor.

"May something na ba kayo ni Sir?" Bulong niya sakin. Kahit medyo tipsy na nga ako, naiintindihan ko parin naman ang tanong niya.

"Ano ka ba, wala. Friends lang. Tsaka.. May nililigawan sya." Papikit pikit kong sabi. Damn, lasing na nga ata ako.

"What?! Sino daw?"

I shrug my shoulder. I don't know..

"Sino nga? Paano mo nalaman?"

"Ang alin?" Oh si Cindy iyon. Nakabalik na pala sila.

"E pachismis din kasi si Cassandra. Sabi niya may nililigawan si Sir." Ani Breanna.

"Ikaw lang yon." Ano Mike.

Tumawa ako. "Mga baliw kayo. Hindi ako yon. Magkaibigan nga lang kami. Tsaka narinig ko sya.. Sabi niya.. She's will be my boyfriend.. Soon.."

"What? Anong boyfriend? Omg. Your drunk." Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod. Si Breanna siguro iyon.

"Hopia ka din Cassandra e. So ibig sabihin ba non pumapatol na si Sir sa kagaya ko?" Kinikilig na sambit ni Mike.

"Umasa ka naman. Hindi no. Tsaka hindi ako papayag na bading si Sir. I can really say, na may abs ang isang yon." Cindy.

Pumugak ako ng tawa. Boyfriend palaang nasabi ko.

MMga baliw talaga tong mga kaibigan ko. Tumungga pa ako ng isa.

Nakakatawang isipin na marunong na akong uminom. Dati 3 shots lang tipsy na talaga ako. Ngayon kahit sampung shot kaya ko pa. Wala, may pinaghuhugutan kasi ako hanggang sa nasanay nalang.

"Sayaw tayo!" Aya ko. Tumayo ako ng mabilisan. Ngunit nagdidilim na ang aking Paningin. Argh. Ang ulo ko.

"Lasing kana e. Lagi nalang na ikaw ang unang nalalasing satin." Cindy.

"E paano, walang ginawa kundi tumungga ng tumungga. Dapat chill chill muna tayo. Hindi na tuloy tayo nakakapag boys hunting."

Tumawa ako. Hawak hawak ako ni mike ngayon. "Boys hunting? Kalokohan."

"Tingnan niyo. Baliw na. May nangliligaw kasi sayo kaya ganyan ka kaconfident." Hindi ko alam ang expression ni Breanna habang sinasabi ito.

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now