Chapter 13 - Will

230 15 2
                                    



Masasabi ko nang magaling akong artista. Maybe, i need to attend an audition for some artista search dahil sa tingin ko makakapasok ako.

Because.. damn. Kahit ang sakit na nakuha ko pang ngumiti sa kanila.

"Sure." Sabay ngiti sa kanilang dalawa. Yumuko ako ng konti senyales na aalis na ako. Pagkatalikod ko sa kanila. I bit my lower lip. Argh.. bakit ganito.. bakit ang sakit.

Saan ba nanggagaling yun sakit?

Hindi na ata normal itong nararamdaman ko. Matagal na ang panahon na iyon pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Dumiretso ako sa elevator. Feeling ko nga lumulutang ako habang naglalakad kasi manhid na manhid ako.

Dahil glass ang aming mga wall sa opisina. Kitang kita ko parin sila. Nakasabit na ang kamay ni Rachelle sa braso ni Toff.

At ang mata ni Toff ay mariin na nakatitig sakin.

Tila tinatansya niya ako.

Para saan?

Curious ka kung masasaktan ako? O gusto mo talagang makitang iiyak ako sa harap mo?

Don't worry.. hindi mo na kailangan pang gawin iyan. I am a good pretender.

Ngayon.. na nakita ko na, na may iba sya. Nanlamig ako. Nakaramdam ako ng pangungulila. Ngayon ko ulit naramdaman na nag iisa nalang talaga ako.

Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Dahil may meeting pa ako na dapat gawin. I need to freshen up. Kaya nag ayos na muna ako.

Para akong zombie habang naglilipstick. Wala ako sa sarili. Sumandal ako ng upuan ng aking sasakyan.

Cassandra hold yourself together!

This is not you!

For everyone sake! 7 years na ang nakakalipas. Again, 7 fucking years!

Please.. huwag mo naman pahirapan ng ganito ang sarili mo.

Do you see how happy he is? Masaya na sya.. nakalimutan kana niya.. kaya ganon na din ang gawin mo.

Pumikit ako kasabay nito ang luha na kanina ko pa gustong ibagsak. Bakit mas sumasakit kapag naaalala ko kung paano niya hinalikan si toff..

Dapat matagal ko na itong pinaghandaan. Hindi habang buhay sakin umiikot ang mundo niya.

Kaya dapat.. handa kana sa panahon na makita syang nasa iba na.

Napapaisip ako.. ito ba ang pagsasakripisyo ko? Ito ba ang magiging bunga ng lahat? Ang masaktan parin ako sa huli kahit na para sa kanya ang ginawa ko?

Worth it nga ba na binitawan ko sya para sa pangarap niya?

Worth it na na sinaktan ko sya para sa kinabukasan niya?

Bakit.. bakit parang mali..

Dapat ba hindi nalang ako bumitiw.. na kahit magkanda ugaga kami para mabuhay ay ayos lang kasi magkasama naman kami?

Damn! Cassandra sobrang selfish non!

Sobra!

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now