Natatawa nalang ako habang nagsasayaw kami nila Hannah. Nakaalalay ang kanyang asawa. Sa lahat ng kinasal sya ang pinaka energetic. Buntis pa sya nyan."Mahal, be careful." Nag aalalang sambit ni Lucian.
Sobrang saya ko para sa dalawang ito.
Pareho kaming may hawak na wine ni Toff. Nasa baywang ko ang isang kamay niya. Kahit masaya ang tugtog nanatiling mabagal ang kanyang galaw.
Nakailang round pa kami ng wine bago nagdesisyon na umupo.
"Dito ka lang." biglang tayo ni Toff. Sinundan ko sya ng tingin kung saan sya pupunta. Nagtungo sya sa table nila Tita Bella at Tito Nataniel.
They start talking. Hindi na ako sumunod. Nanatili ako sa table namin nila Savannah. Baka negosyo ang kanilang pag uusapan.
"Mukang seryoso ang pinag uusapan nila." Ani savannah.
Muli akong napalingon at tumango. "I guess."
"Alam na ba niya?" Savannah asked.
"Hindi ko alam. Pero.. parang hindi niya alam?" Lito kong sagot.
"Mukang hindi nga niya alam." Sagot naman niya.
"As in hindi niya nabalitaan? Kumpleto kayo noong libing nila Mama. Kahit sina Hannah at Lucian umuwe ng pilipinas non."
Savannah looked concerned.
"Ask George mukang may alam sya. Mukang nasaktan talaga ng husto si Kristoff sayo noon. Kaya kahit anong balita na tungkol sayo ay ayaw niya tumanggap." She carefully said.
That's it. The answer that i been waiting is here.
Hindi ko na kailangan tanungin Si George dahil iyon din ang kanyang sasabihin.
Masakit isipin na mahigpit niyang inaalis ako sa kanyang buhay.
"Si George?" Pag iiba ko ng usapan.
"Kausap yun mga bata. Hindi daw makatulog hanggat hindi nakikita ang kanilang Daddy." Napansin kong namula pa ang kanyang pisngi.
Kahit papaano naibsan ang sakit na naramdaman ko sa kanyang sinabi. Ang sarap siguro na may sarili ka nang pamilya.
"Naalala ko pa noon.. si Tita Lori halos isumpa kayong dalawa." I open up the past about themZ
She smile a bit. "Diba sobrang strict ni Mommy. Boyfriend nga ayaw nya. Kaya nung nalaman niya na buntis na ako... hay.. akala ko katapusan nanamin ni George."
"Ganon lang naman si Tita. Mahal ka niya kasi." Ngumiti na din ako.
"Akala ko nga.. bibitawan ako ni George. Kasi ang tindi talaga ni Mommy noon. Wala syang pakealam kung gaano kataas ang pamilya nila George. Halos tapakan na niya ang pagkatao ng asawa ko."
"Kaya nakakahanga din pala kapag matapang hiya ng tao. Bilib ako sa kanya dahil hindi niya ako tinakbuhan. Pinaglaban niya ako kila Mommy at Daddy."
"At noong lumuhod sya sa harap nila Mommy.. doon ko na napagtanto na hindi ko na sya makakawalan."
"Kilala mo si George, mataas ang pride non. Pero nilunok niya lahat yon para sakin. Nagpakababa sya para makuha ako."
I squeezed her hand. "That's why im so blessed na sya ang mga ama ng anak ko. Mahal na mahal ko sya, Cassandra. Hindi ako nagkamali na piliin sya noon."
YOU ARE READING
He's not my Gangster anymore
Ficção GeralLove is Sacrifice. You can do all things even the hardest one to your love one. You can sacrifice your own happiness for him. To make him life become better, successful and contented. Pero sa kabila ng lahat, handa mong tiisin ang ginawa mong pagsas...