Chapter 9 - Too

209 12 2
                                    




Hindi ko sinagot ang tanong na nagpakabog ng puso ko. Alam na alam ko ang punto niya pero anong pake niya doon. He treating me like nothing and cold, tapos concern sya ngayon?

Don't me, Kristoff Grand Anderson.

After that incident, were barely talk.

At may isang bagay akong narealized. Hindi niya ako sinasama sa mga meetings kapag naka-skirt o dress ako. Tuwing nakaslack lang ako o jeans. He is confusing me.

Lumaban nanaman pala ako ng race, at nanalo ulit ako. At the next two weeks meron ulit. Isa din ito sa dahilan kung bakit ang laki na ng savings ko.

Everyweekend na kila Ziel ako. Busy naman si Ron kaya ang dalang din namin magkita.

Si Maxwell naging busy sya sa mga proyekto ng kanilang kumpanya. Pero hindi nawawalan ng time sakin iyon. Minsan, feeling ko inaabuso ko na sya. Pero palagi ko naman nililinaw kay Maxwell na.. na Im not ready yet.

Si Franco naman, naging busy din. Pero nagba-bar padin kami, minsan.

Katulad nga ng gusto ni kristoff. Dinisscussed ko sa kanya ang lahat ng mga condominium sa BGC except sa Condo kung nasaan ang akin.

Sa sampung magaganda at high-end na condominium napinakita ko sa kanya ay lahat nireject lamang niya. Tila may hinahanap sya kaya pinabayaan ko nalang nang nagpasya sya na siya nalang daw ang maghahanap.

Hindi ko talaga sya maintindihan, minsan mabait, madalas masungit. Ang bilis magbago ng desisyon.

Sa mga dumadaan na panahon lalo lamang nagiging malamig ang trato niya sakin. Na hindi ko maintindihan. Ganon ba niya ako ayaw makita?

"Bar tayo mamaya?" Aya sakin ni Franco. Bar-buddy ko na talaga sya. Tumango ako bilang sagot. I need alcohol. Bwiset na trabaho ko. Lahat nalang palpak para sa kanya.

"Mukang nasstress kana." Puna ni Franco nasa Cafeteria kami ng Building. Parehas kami ni Franco na hindi maarte sa kinakain. Napapakain ko nga ito ng Street foods e.

"Hindi pa." Hindi pa naman. Kayang kaya ko pa naman.

"Pa? Haha. Just tell me kung nasstress kana. Kunin nalang ulit kita. Doon ka nalang ulit nagtrabaho sakin."

Umiling ako. "Utang na loob ko ang posisyon na ito."

"Oh sa Tito mo?"

Tumango ako.

"Magsabi ka lang sakin kung nasstress kana. Pwede naman kitang tulungan."

"Ang dami dami mo din kayang ginagawa."

Humalakhak sya. "Kung para sayo naman kayang kaya ko."

"Ewan ko sayo."

"So bar tayo mamaya ah. Please don't bring Maxwell."

"Ano bang problema niyo?"

"Wala. Feeling Boyfriend mo yon e. Nakakainis."

Tumawa ako. "Ganon na talaga yon."

"Pero hinahayaan mo lang."

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now