Chapter 19 - Why

229 10 5
                                    



Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng husto ngayon.

Natuloy ang gustong Dinner nila Tita at Tito. Si Tita ang nag invite kay Maxwell at si Tito naman ang kay Kristoff. Hindi ko lang alam kung alam ba ng dalawa na kasali ako sa dinner na iyon.

This is a normal dinner yet nahirapan pa ako pumili ng damit. Kasi nalilito ako, i want to look simple but i also want to look fine and classy.

Nauwe ako sa isang Spaghetti Pale Pink knee Dress.

Nag ayos din ako ng aking buhok. I mean, itinali ko ito sa isang messy but hotty bun.

At ngayon, anytime pwede ng dumating ang isa sa kanila.

"You look tense?" Medyo natatawang sambit ni tita sakin.

"P-po? Hindi po Tita. I just thinking something else."

She smiled. "Don't be, kahit boss mo si Kristoff. Pwede naman kayong maging friends outside the work."

She conclude.

"Tita naman, hindi naman sya ang iniisip ko."

Nginitian ako ni Tita. "You look so beautiful, Anak."

Napanguso ako ng kaunti. She smile even more. She was about to say something but she interrupted by the buzzer of the main door. My heart beat fast at the same moment.

"Oh i think one of them is here or baka sabay sila." Nakangiting nagtungo ng pinto si tita.

Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. Pero hindi ko kaya, kaya nagtungo ako ng dinning area para doon nalang mag aantay.

Nasa kalagitnaan palang ako ng aking paglalakad nakarinig na ako ng batian na muntikan nang magpatigil ng puso ko.

"Oh Kristoff!" Masayang bati ni Tita sa kanya. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi.

"Tita, I miss you. How are you po? Here.."

Tita giggled. "Aww thank you! This flowers is so beautiful. Im pretty good! Ikaw kamusta!"

"You're welcome Tita. Im also good but incomplete." Tunog nagbibiro na sagot ni Toff.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Damn, yun puso ko.

"Incomplete.." ulit ni tita. "Why incomplete? Cmon, your too handsome to be single. Wala pa bang nagpapatibok dyan."

Humalakhak si Toff. I miss that too..

"Meron na po but she is so numb."

"Manhid?"

"Yeah.."


"Teka, there's a rumor about you. May girlfriend ka na ba talaga?" Tanong ni tita. Konting konti nalang nasa dinning area na ako at ayokong marinig ang isasagot niya.

Hindi ko naintindihan ang naging sagot niya.

"Tss. Too showbiz, anyway andito yun anak ko. Diba na meet mo na sya?"

Omg!


"Anak." Tawag sakin ni Tita. Damn.

Paliko na sana ako sa dinning area nila pero kailangan kong lumingon. Huminga muna ako ng malalim.

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now