Chapter 10 - Side

196 12 1
                                    




"So nagselos ka?" Sambit ni hannah.

Salitang iniiwasan kong marinig.

Mabilis kong tumayo sa aking pagkakadapa. "Of course not!"

"Cassandra, im your bestfriend. Kilalang kilala kita. Baka naman friends lang sila non?"

"Hindi ako nagseselos Hannah. May friends bang nag sasabihan ng i love you?"

"Nagseselos ka nga. Kitang kita yan sa mukha at pananalita mo."

"Hindi nga sabi."

"You can fool others but not me. Nagseselos ka, kasi... Nakakapanibago? hindi ka nakakaramdam nito dati dahil head over heels sya sayo. Yun tipong gagawin niya lahat para lang hindi ka makaramdam non."

"Hannah, not helping at all."

"I just want you to see my point."

"Na hindi na ako ang mundo niya?"

"Na.. you need to move on and find your own happiness. Maybe Kristoff is just an instrument to your life. Binigay sya sayo para matuto ka. So para sa susunod mong relationship mas alam mo na ang dapat gawin at alam mo na ang mga bagay na hindi dapat gawin."

"Nagbuntis ka lang ganyan kana. But thanks.. i will take your notes."

"Your always welcome. Sabi ni lucian maganda daw ako magbuntis."


Umirap ako. Malamang asawa ka. "Inuuto ka lang non."

Ngumuso sya.

"Sana nga kamukha mo ang baby ko."

"Nako, sasakit ang ulo ni Lucian kung ganon." Natatawa kong sambit. Biro ko lamang iyon.

"Handa naman ang Daddy niya na gulpihin ang mga mangliligaw nito."

Natawa ako. "Huwag masyadong mahigpit."

She smiled weakly. "Oo naman, hangga't bata pa kailangan munang bantayan kapag malaki na sya at kaya ng magdesisyon hindi ako mangingialam sa buhay pag ibig niya."

Napakagat ako sa labi. May biglang naalala sa kanyang sinabi.

"Umuwe kana nga."

"Soon, we will. Pero nagseselos kana?"

"Hannah! Bakit ako magseselos? As if naman may feelings pa ako sa kanya."

"Labas sa ilong yun sinabi mo."

"Seryoso.. wala na talaga." Halos pabulong na lamang iyon.

Nagising ako ng masakit ang aking mata. Kinuskos ko ito ng ilang beses bago bumangon.

Umaga na pala.. teka! Umaga na pala?!

Bigla akong kinabahan at natatakot na tingnan ang orasan. What?! 10:32 na ng umaga! Anong nangyari Kagabi kung bakit ako nakatulog ng ganito kahimbing.

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now