Iba't iba ang reaksyon na natatanggap namin. Pero tila walang pakealam si Toff sa mga nakatingin. Ako lang ata itong apektado samin."Tss. Don't mind them. They can stare at you but they can't hurt you." Aniya.
Iyon ba ang akala niyang inaalala ko?
Nang nasa opisina na kami. Nakatanggap ng tawag si Toff mula kay Lucian. At ganon din ako kay Hannah. Facetime.
"We're in Manila. Magdinner tayo mamaya. Please!!" She's in their room. Pamilyar sakin ang itsura ng kwarto nila. Humilig ako sa swivel chair tsaka nginitian ang maganda kong bestfriend. Her face is a bit chubbier.
"Sure! May gusto din sana akong sabihin.." napakagat ako sa labi. I tried my best to look serious. Kahit ang totoo, sasabog na ako sa kilig. Of course! She is my bestfriend kaya ang mga ganitong bagay sa pagitan namin ay sobrang nagpapaexcite samin.
Agad nagseryoso ang mukha niya. Nakitaan ko din ng takot iyon.
"Omg! Don't tell me magba-back out kana sa kasal ko!? Hindi yan pwede, Cassandra Cavalli."
Gusto kong matawa sa reaksyon niya. "Hindi, ano ka ba! Basta may sasabihin ako sayo.. o gusto mong sabihin ko na ngayon?"
Naningkit ang mata niya sakin. Darn, i miss her!
"Gaano kaimportante ito?"
"Half of my life." Sagot ko sabay ngiti. Wala na.. hindi ko na napigilan.
Natigilan si Hannah. "Omg.. may boyfriend kana?" Tunog hindi sya sigurado. Pero alam kong iyon ang ipu-push niyang topic.
She knows me so well. Yun lang ang sinabi ko pero nagets niya agad.
"Speak Cassandra! I demand! May Boyfriend kana? Of course, i will never ask who. Kasi it's obvious na si kristoff parin naman hanggang ngayon. Umamin na ba sayo?"
Ang kulet niya. Lumapad ang ngiti ko hanggang napunta ito sa pagtawa. Damn it. Para akong teenager ngayon na kinikilig sa mga simpleng tanong niya. Why on earth. May alam na sila na aamin si Toff?
"Omg. I'm positive. Nagkabalikan na kayo!?" Ngayon sobrang ingay niya. I bet ma-aalarm si Lucian sa sobrang ingay niya.
Mas lalo akong natawa. "Hey, calm down. Yun inaanak ko. Huwag kang tumalon dyan!" Saway ko sa kanya na natatawa.
"What do you expect me to react? Cassandra, we're talking about your love life here!! At kyaaah!!!!!! So kayo na nga ulit?"
Ngumiti lang ako sa kanya ng malapad.
Napamura si Hannah. Nanlaki ang mata ko. "Ano nga!? You frustrating me!"
Nakita ko sa background si Lucian na may bahid ng pag aalala sa mukha. "Hi Lucian!" Bati ko ng masaya. I totally ignore hannah's questions.
"Hello!" Bati niya pabalik sakin pero agad lumipat ang tingin sa asawa lumumanay ang mata niya. "Mahal, why you shouting? Calm down please."
"Eto kasing si Cassandra. Ayaw pang umamin. May boyfriend na daw sya. Syempre, hindi na tanong kung sino. Pakitanong mo nga yan kaibigan mo kung nagkabalikan na sila ni Cassandra." She sounds irritated now. How cute she is!
Lucian look amused and happy. May alam ba sya?
Bago pa man ako makasagot. Paawang na ang labi ko at handa ng sumagot ngunit Hinalikan ako ni Toff sa aking labi. Sakop na sakop ng labi nya ang labi kong nakaawang. Nanlaki ang mata ko at ganon din si Hannah sa screen.

YOU ARE READING
He's not my Gangster anymore
General FictionLove is Sacrifice. You can do all things even the hardest one to your love one. You can sacrifice your own happiness for him. To make him life become better, successful and contented. Pero sa kabila ng lahat, handa mong tiisin ang ginawa mong pagsas...