"So you mean, parang may nagkiss sayo? Ganon ba yon?" Patanong na sambit ni Hannah sakin. Pagkauwe ko kasi sa party. Hindi talaga agad ako nakatulog.Mabuti nalang laging online ang buntis na ito.
Hinihilot ko ang aking sentido habang nakahiga at katabi si tapper. "Yeah.. Ang weird kasi.."
"Paano mo naman nalaman na kiss yon? Malay mo hinawakan lang pala yun labi mo."
Tinagilid ko ang aking ulo tsaka sinubukan na pinagdikit ang aking labi at daliri. Umiling ako. "Hindi, tsaka alam ko naman ang pinagkaiba non."
"Baka nga nakalimutan mo na. Sya ang huling nakahalikan mo diba?"
Umiling ako. "Remember sa bar? May nagkiss sakin doon."
"And you kissing him back."
"Because i was too drunk. Akala ko kasi sya iyon.."
"Mahal mo talaga sya no.."
Tiningnan ko si Hannah ng pagod. Of course, i love him. "Uwe kana nga, gusto na kitang mayakap." I need my bestfriend right now.
"We will soon.." Sabay ngiti sakin ni hannah. "Anyway.. sino kaya si Mystery Guy?"
"I don't know and im not interested."
"Hala! Baka naman secret admirer mo yon."
"Baka naman stalker ang tawag doon. Bakit niya ako hahalikan?"
Humalakhak si Hannah. "The way you look and dress. Malaman, ikikiss ka talaga non. You look like a queen. Masyado mo kasing ginalingan."
"Isa ka pa e. Bolera. Bestfriend nga talaga kita. You support me too much." Sabay ngiti ko.
"Hindi bola yon, hanggang ngayon pa ba hindi mo nakikita kung gaano ka kaganda. Ang lakas ng ang appeal mo e. Kahit niya umirap ka may naaattract parin sayo. What if kung ngumiti ka pa."
"Enough hannah, kay lucian mo ba natutunan ang lahat ng iyan?"
Tumawa sya. "Kind of.. Hahaha Speaking of him. Namimiss ko na yun asawa ko. Mag asawa kana din!"
"Boyfriend nga wala. Asawa pa kaya."
"Kasi ayaw mo.. You still stuck in a past.. Teka Baka naman si Maxwell lang yon." Sabi pa ni Hannah. Nagkatinginan kami. I just shrug my shoulder.
"I don't think so. Iba kasi.."
Monday nanaman, bumuga ako ng malalim na hininga ng marating ko ang parking lot. Eto na, magkakaharap muli kami.
Kahit sa elevator. Kabado ako, nakakainis. Bakit feeling ko high schooler parin ako. Bakit ba kasi ako kinakabahan.
I need to calm myself.
Pagkalabas ko ng elevator. Bumungad agad sakin ang mga tawag. Sinagot ko ito tsaka masinsinan na kinausap sila isa isa. Nagbibigay ako ng schedule. Panigurado akong ako ang kakausap sa mga ito.
Maging ang telepono sa opisina ay tumutunog. Binaba ko na ang gamit akong office cellphone tsaka sinagot ang telepono.
Habang kumakausap ako, nagsimula na akong mangalkal ng mga emails. Ang daming trabaho ngayon.

YOU ARE READING
He's not my Gangster anymore
General FictionLove is Sacrifice. You can do all things even the hardest one to your love one. You can sacrifice your own happiness for him. To make him life become better, successful and contented. Pero sa kabila ng lahat, handa mong tiisin ang ginawa mong pagsas...