Chapter 7 - Familiar

190 12 5
                                    



I pushed him away as much as i can. Dahil aatakihin na ang aking puso. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan sya. At kung bakit ngayon lang?

Mabilis kong kinuha ang aking bag. Nanginginig ang aking sistema. Hindi ko alam pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang kahapon ko lang sya sinaktan.

Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng aking puso. Nanginginig ang aking daliri habang pinipindot ang buton sa elevator.

Bago sumara ito kitang kita ko ang lungkot at galit sa kanyang mata.

Napasandal agad ako sa pader nitong elevator. Dinama ko ang kabog ng aking puso. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Masyado akong natatakot pero nakakaramdam din ako ng konting kasiyahan. Damn it. Basta kapag sya. Ganito ako.

Hanggang sa parking lot. Nagmamadali ako at natatakot na maabutan at pag usapan muli namin ang bagay na iyon.

Pilit kong kinakalma ang aking isip at puso. Hindi na ata ako makakatulog ng matino nito.

Birthday na ni Maxwell bukas at kailangan ko din magpahinga. At ayokong magmukhang zombie sa kanyang harapan.

Nakatulugan ko ang pag iisip sa kanya at sa sitwasyon ko sa kanya.

Hell yeah.

Kinaumagahan, maaga akong naligo para kuhanin ang damit na susuotin ko sa birthday ni Maxwell. Something with red shade daw. Matagal ko na itong inorder kaya kahit hindi niya sabihin pula talaga ang susuotin ko.

Feeling may birthday. Haha

Isang black stiletto heels.

Ako na lamang ang mag aayos sa aking sarili. In the past few years, natuto din akong mag make up. Hahaha hannah teached me very well.

Alas siete palang tumatawag na si Maxwell. Babatiin ko na ba sya?

"Hey birthday boy---"

"Save it later. Gusto ko personal." Demanding niyang sambit.

What the?

Umirap na lamang ako.

"Babe? Make sure makakapunta ka. I swear, ipapatigil ko ang party kapag hindi ka dumating." He sounds tense.

"Ang OA mo. Pupunta ako." Tunog natatawa.

"Sunduin na kita para sure na pupunta ka." Mas desperada niyang sambit.

Nanliit ang mata ko doon. "You don't trust me? Pupunta ako."

"Of course i trust you. Nakared ka?" Tila nagmamadali pa sya.

Don't tell me tensyunado sya. Feeling debut!

Gusto kong tumawa sa taong to. Ang kulet. "Yes, boss."

Humalakhak sya. "Damn.. I miss you. Gusto na tuloy kitang makita."

Umirap ako. "Kaya ka hindi nagkakagirlfriend e."

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now