What did he just say?Cassandra Anderson?
Nag init ang pisngi ko. Damn him! pumasok kami sa elevator ng hindi ako umiimik. Dahil pinoproseso ko pa ang kanyang sinabi.
Anderson.. apelido niya yon. Bakit kapag sya ang kasama ko nagiging bobo talaga ako.
Ngayon na nakikita ko ang repleksyon namin sa salamin nitong elevator. I look crazy. My make up is ruined badly dahil nadin sa pag iyak ko. Nilipat ko ang mata ko sa kanya na nakatingin din sa repleksyon namin.
Nasa baywang ko parin ang kanyang kamay. Bumaba ang mata ko doon. Ngayon na sobrang dikit kami. Kitang kita mo kung gaano ako kadumi at kung gaano naman sya kalinis.
Nag iwas ako ng tingin doon. Hindi ko kayang tingnan. Lalo ko lamang narerealize kung gaano kami hindi na bagay. Kung gaano kami.. sobrang layo na para sa isa't isa.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. Naramdaman kong medyo nagulat sya. Sinamantala ko iyon para tanggalin. Tsaka ako umusog sa kabilang side ng elevator.
Napamura sya doon. Hindi ko pinansin. Bumukas ang elevator. May pumasok akala ko pa naman ay dito na kami. Pumagitna samin ang isang babaeng mestisa. Shit. Maputi nanaman.
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Yeah, keep staring girl.
"Mr. Owner! Oh ikaw pala yan." Humarap na sya ng tuluyan kay Toff. Nag iwas naman ako ng tingin.
"Ms. Abre." Toff acknowledge her. Miss, so wala pang asawa.
Pumikit ako. Calm down, Cassandra.
Tumawa ang babae. "Minsan magdinner ulit tayo."
Tila gatilyo iyon para mag usok nanaman ang init na nasa puso ko. Ulit, so nakapagdinner na sila.. now i can imagined his girls. Sobrang dami siguro.
Nasa 34 na kami. Bigla kong pinindot ang 36. Busy naman sila mag usap kaya lalabas nalang ako.
Saktong bumukas ang 36 may papasok na tatlo pang babae. Ano puro babae ba ang mga tenant dito! Sinamantala ko na iyon. Lumabas din ako.
Sa Exit agad ang tungo ko. Binilisan ko ang lakad. Ngayon saan ako pupunta? Sa taas o ibaba?
Sa itaas ang punta namin kaya baba nalang ako. Pero i know him! Malamang bababa na din iyon kasi alam niyang uuwe na ako. Tama, sa itaas ako pupunta tsaka nalang ako baba. I need to washed my face first.
Tumaas ako. Kumabog ang puso ko ng may marinig akong kalabog ng pintuan. Damnit! Mali ako! Sinundan niya ako. At papaano niyang nalaman na dito ako dumaan.
Mas binilisan ko ang takbo. Hindi naman mataas ang suot kong sapatos. Halos tig dadalawang hakbang na ang aking ginagawa.
Napasigaw ako ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso. Mas tumaas ang kaba sakin dahil na out of balance ako.
Nasapo niya ako. Mabuti nalang malakas ang pangpigil niya kaya hindi kami natumba katulad ng inaasahan ko.
"Stop running, i will always chase you down." Galit niyang sambit.

YOU ARE READING
He's not my Gangster anymore
General FictionLove is Sacrifice. You can do all things even the hardest one to your love one. You can sacrifice your own happiness for him. To make him life become better, successful and contented. Pero sa kabila ng lahat, handa mong tiisin ang ginawa mong pagsas...