"Kayo na ba ni Maxwell?" Pabirong bulong sakin ni Tita. Nasa Garden kami ng kanilang mansion."Hindi po. Tita naman." Sagot ko sa kanya. Napalingon samin sina Maxwell at Tito.
Nagkatinginan kami ni Maxwell.
Umiling si tita bilang sagot sa dalawa. "Baka naman kasi kayo na hindi ka lang nagsasabi. Matinong lalaki naman ang batang ito. Matalino, mabait, mayaman at higit sa lahat gwapo."
"Tita kasi po..."
Hinila niya ako palayo sa dalawa. "Kasi?"
"Kasi..." pilit na humahanap ng mas katanggap tanggap na rason. Pero mag sisinungaling pa ba ako? "Hindi pa po ako handa."
"Pero bente sais kana. Hindi ka parin handa?"
Hindi naman po yun edad ko ang problema dito tita. Yun lintek kong puso.
"Don't tell me my feelings ka pa sa taong nanloko sayo?"
"Tita hindi niya po ako niloko. Ako po ang nang iwan sa kanya."
"But it's already 7 years ago. Papaanong may feelings ka pa?"
Hindi ako nakasagot agad. "I don't know either."
"First love mo sya hindi ba?"
"Opo."
"Papaano kayo nagkahiwalay?"
"Pinagtabuyan ko po sya."
"Tapos?"
"Tapos na po.."
Tumango tango pa sya. "Baka naman hindi mo na sya mahal, the reason why its hard for you to move on because you don't have a proper closure."
Saglit akong natigilan bago pinoproseso ang sinabi niya sa isip ko.
"Hija, our time is running.. hindi kana bata. You need to feel the love again and make yourself happy again."
"And choose the person who always there by yourside." Sabay tingin ni tita kay Maxwell.
Nakangiting lumingon si Maxwell samin dahil narin siguro sa pinag uusapan nila ni tito.
My heart beats for unknown reason. Nag iwas ako ng tingin kay maxwell. Para saan naman ang pagtibok ng puso na iyon.
Tama ba si Tita na kaya nagkakaganito ako kasi wala kaming closure ni toff.. meron naman nagkahiwalay na kami.. anong closure pa ba ang kailangan?
Maghapon kami kila tita. Napasarap kasi ang kwentuhan nila tito at maxwell. Napunta na sa business ang kanilang pinag uusapan kaya napasarap ang usapan.
Natutuwa si Tito sa mga achivements ni Maxwell sa buhay. May bago kasi silang branch na itatayo sa dubai. Kaya madalas sya doon ngayon.
Panay naman ang text sakin ni Franco at nila breanna kung bakit hindi ako nakapasok. Ngayon lang kasi ito nangyari na umabsent ako dahil sa personal na rason.
At hindi ko aaminin na nagseselos ako kaya ako umabsent!
Hinding hindi.

YOU ARE READING
He's not my Gangster anymore
General FictionLove is Sacrifice. You can do all things even the hardest one to your love one. You can sacrifice your own happiness for him. To make him life become better, successful and contented. Pero sa kabila ng lahat, handa mong tiisin ang ginawa mong pagsas...